Halos P.2M droga nasabat sa Malabon, Navotas drug bust
- Published on January 18, 2024
- by @peoplesbalita
HALOS P.2 milyong halaga ng ilegal na droga ang nasamsam ng pulisya sa apat na hinihinalang drug personalities na naaresto sa magkahiwalay na buy bust operation sa Malabon at Navotas Cities.
Sa report ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito, alas-11:30 ng gabi nang ikasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy bust operation kontra kay alyas “Jayz”, 21, sa Dr. Lascano St., Brgy. Tugatog matapos ang natanggap na impormasyon na nagbebenta ito ng shabu.
Isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makipagtransaksyon kay Jayz ng P500 halaga ng droga at nang tanggapin niya ang marked money mula sa pulis kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba, kasama ang kanya umanong parukyano na si alyas “Bukol”, 42.
Nakumpiska sa dala ang humigi’t kumulang 22.26 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P153,680.00, buy bust money at coin purse.
Sa Navotas, nalambat naman ng mga operatiba ng Navotas police SDEU sa pangunguna ni P/Cpt. Genere Sanchez sa buy bust operation sa Ayungin St., Brgy., NBBS Kaunlaran dakong alas-4:05 ng madaling araw sina alyas “Jenny”, 45 at alyas “Dre”, 40 ng Tondo Manila matapos bintahan ng P500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.
Ani Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, nakuha sa mga suspek ang nasa 5.28 grams ng umano’y shabu na may standard drug price value na P35, 904.00 at isang P500 bill na ginamit bilang buy bust money.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)
-
Ads November 11, 2020
-
Coach Yeng Guiao nananahimik
SA pamantayan ng nakakakilala kay Yeng Guiao, behaved na ang maingay na coach habang minamanduhan ang Team Scottie kontra Team Japeth sa PBA All-Star Game sa Iloilo nitong Linggo. Kinabitan ng mic sa buong first half ang tactician kaya dinig ang bawat salita. “Ang hirap magpigil,” nakangiting bulalas ni Guiao. “Wala tuloy mura.” […]
-
Wimbledon tatanggalin na ang mga line judges
SA UNANG pagkakataon matapos ang 147 taon ay nagpasya ang Wimbledon an tanggalin na ang mga line judges sa lahat ng kanilang courts tuwing may tournaments. Ayon sa All England Club na simula 2025 championships ay gagamit na sila ng electronic line calling (ELC). Ang ELC ay siyang papalit sa mga […]