DOH nagpasaklolo sa PNP kontra ‘vape’
- Published on January 19, 2024
- by @peoplesbalita
NAGPASAKLOLO na ang Department of Health (DOH) sa Philippine National Police (PNP) para matulungan sila sa pagpapatupad ng batas na nagbabawal sa mga menor-de-edad na bumili at gumagamit ng vape o e-cigarettes.
“I actually wrote a letter to the PNP asking them to implement the law and make sure none of these minors should have access to vaping,” ayon kay Herbosa sa isang media forum.
Sinabi ni Herbosa na tinatayang 14% na ng mga gumagamit ng e-cigarette ay mga minors sa kabila ng nakasaad sa batas na 18-taong gulang pataas lamang ang maaring gumamit nito.
Kasunod ito ng pagbaba sa paggamit ng tabako o sigarilyo sa bansa dahil sa mas mataas na buwis na dahilan ng pagtataas sa presyo ng mga ito.
Ayon sa Global Adult Tobacco Survey, bumaba ang paggamit ng tabako o sigarilyo sa mga adult sa 19.5% noong 2021 mula sa 29.7% noong 2019.
Kasabay ng pagbaba sa paninigarilyo, tumaas naman ang antas ng gumagamit ng mga vape at e-cigarettes. Ngunit ayon sa DOH, parehong may masamang epekto sa kalusugan ang paggamit ng mga ito.
Other News
-
Ads July 7, 2022
-
LTFRB at LTO MAY DAPAT IPALIWANAG sa COA at sa TAUMBAYAN!
Kamakailan ay naglabas ang Commisson On Audit (COA) ng mga pangalan ng ahensiya ng gobyerno na may red flag findings sila. At may dapat ipaliwanag ang LTFRB at LTO tungkol dito! COA FLAGS LTFRB OVER USING ONLY 1% OF P5.5 BILLION FUNDS FOR DRIVERS ASSISTANCE DURING COVID 19 PANDEMIC […]
-
Social pension para sa mga indigent seniors citizen, nakakuha ng P49.8B budget para sa susunod na taon
NAGLAAN ang gobyerno ng Pilipinas ng P49.8 billion budget para sa Social Pension ng mga Indigent Senior Citizens sa bansa sa ilalim ng 2025 National Expenditure Program. Ayon sa Department of Budget and Management, makatutulong ito upang matiyak ang patuloy na implementasyon ng social protection program para sa mga Filipino senior citizen ng DSWD. […]