• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Suspensiyon sa deliberasyon sa pondo ng PCOO, pinalagan ni PCOO Usec. Badoy

Unfair!

 

Ito ang naging pahayag  ni PCOO Undersecretary Lorraine Badoy matapos suspendihin ang budget hearing na may kinalaman sa proposed budget ng Presidential Communications Operations Office (PCOO).

 

Ayon kay Badoy, hindi makatuwiran  na nagkaroon ng delay sa budget deliberation na ayon sa Makabayan bloc ay dapat lang na isisi sa kanya.

 

Giit ni Badoy, hindi naman dapat na madamay ang PCOO sa usapin ng red tagging sa mga kongresistang kabilang sa Makabayan bloc.

 

Ang kanyang tindig aniya kontra sa mga mambabatas na binigyan niya ng red tagging ay kanyang posisyon bilang tagapag- salita ng National Task force to End Local Communist Armed Conflict na nasa ilalim ng National Security Council (NSC).

 

Kaya ang sabi ni Badoy,  hindi naman patas na pati ang pagtalakay sa budget ng PCOO ay nadamay sa isyu lalot ang pokus ng Communications office ay nasa information dissemination.

 

Kung may maaapektuhan aniya ng deliberasyon sa pondo, ito ay sa hanay dapat ng NSC. (Daris Jose)

Other News
  • 4 bodega sa rice smuggling, hoarding pinangalanan ni Marcos

    PINANGALANAN na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang apat na bodega na kinasuhan ng Bureau of Customs (BOC) dahil sa hinihina­lang sangkot sa hoarding at smuggling ng bigas.     Tinukoy ng Pangulo ang San Pedro warehouse; Blue Sakura Agri Grain Corporation; FS Ostia Rice Mill at Gold Rice Mill matapos na mamahagi ng smuggled […]

  • HIGIT 2.2 BILYONG HALAGA NG GAMOT ITINATAGO NG DOH

    PDu30, inatasan ang DOH na ipamahagi ang mga medisina na malapit nang mag-expired.   INATASAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Department of Health (DOH) na ipamahagi ang mga medisina na malapit nang mag- expired kung saan isinisisi ng Commission on Audit (COA) ukol sa poor inventory at supply management system.   Ayon kay Presidential […]

  • BIR pinagpapaliwanag sa kinanselang Megaworld closure order

    NAIS ni House Ways and Means Chair Joey Sarte Salceda (Albay) na magpaliwanag ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa ginawa nitong kanselasyon sa closure order ng Megaworld Corporation.     “That was a bizarre series of events that leaves us with more questions than answers. Why was the order issued? Why was it cancelled […]