• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sen Jinggoy Estrada guilty sa bribery, inabswelto sa ‘plunder’ kaugnay ng PDAF scam

INABSWELTO ng Sandiganbayan si Sen. Jinggoy Estrada sa kasong pandarambong kaugnay ng pangungurakot ng P183 milyon mula sa kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel — pero maaari siya makulong ng 12 taon.

 

 

Ito ang inanunsyo ng anti-graft court ngayong Biyernes matapos umabot ng halos 10 taon ang kasong Hunyo 2014 pa inihain.

 

 

“WHEREFORE, in light of the foregoing premises, the Court finds accused Jose ‘Jinggoy’ P. Ejercito Estrada and Janet Lim Napoles NOT GUILTY of Plunder based on reasonable doubt,” wika ng Sandiganbayan.

 

 

“It was imperative for the prosecution to establish its case with that degree of proof which produces conviction in an unprejudiced mind, with evidence which stqands or falls on its merits, and which cannot be allowed to draw strength from the weakness of the evidence of the defense.”

 

 

Aniya, naabswelto sina Estrada at Napoles — ang diumano’y utak ng pork barrel scam na si Janet Lim Napoles — matapos bigong mapatunayan ng prosekusyon na nagkamal ng milyun-milyong nakanaw na yaman ang mga nabanggit.

 

 

Gayunpaman, napatunayang nagkasala si Estrada sa isang count ng “direct bribery” at dalawang counts ng “indirect bribery,” ayon sa Sandiganbayan.

 

 

Dahil diyan, maaari siyang makulong nang hanggang walo hanggang siyam na taon para sa unang conviction at dalawa hanggang tatlong taon sa ikalawa. Pwede pa niya itong iapela.

 

 

“He [Estrada] is also ordered to pay a fine of Php3,000,000.00,” dagdag pa ng korte kaugnay ng direct bribery.

 

 

“He is also sentenced to suffer the penalties of suspension and public censure, with the accessory penalties of suspension from public office, from the right to follow a prifession or calling, and that off perpetual special disqualification from the right of suffrage.”

 

 

Aniya, napatunayan kasi ng prosekusyon na na may P262 milyong halagang Special Allotment Releases Orders (SAROs) mula sa kaban ng bayang nailipat sa ilang non-governmental organizations ni Napoles habang ghost o fictitious ang mga PDAF projects.

 

 

P1 milyon dito ay napunta kay Estrada habang P9.87 milyon naman ang napunta sa dati niyang aide na si Pauline Labayen.

 

 

Isa ang senador sa mga inginuso ng dalawang state witnesses kaugnay ng kaso, kabilang na ang diumano’y utak ng pork barrel scam na si Janet Lim Napoles. Una nang napatunayang guilty si Napoles dito.

 

 

Napatunayan ding guilty si Napoles ng limang counts ng corruption of public officials at inuutusang magbayad ng P29.62 milyon. Kailangan din niyang i-indemnify ang gobyerno ng Pilipinas ng P262.03 milyon na may 6% interes per annum.

 

 

Nagpasalamat naman si Jinggoy sa naging desisyon ng korte ngunit takang-taka kung bakit raw siya naging guilty para sa bribery at indirect bribery. Wala raw kasing ganitong charges sa information sheet.

 

 

“I did not receive any money. I would like to thank the magistrates of the Sandiganbayan that after a decade, my case has been resolved. It took almost 10 years but still, I am very, very thankful. This is a vindication of my name,” wika niya sa ulat ng ABS-CBN.

 

 

“Kahit matagal, maganda naman ‘yung results. Maganda ‘yung kinalabasan.”

 

 

Dati nang nakulong sa Philippine National Police Custodial Center si Jinggoy bago makapagpiyansa noong 2017.

 

 

Maliban kay Estrada, ilan pa sa mga idinidiin sa kaso sina Sen. Bong Revilla Jr. at dating Sen. Juan Ponce Enrile.

 

 

Ang PDAF scam ay isang multi-million peso scandal kaugnay ng discretionary funds ng mga mambabatas, bagay na idineklarang labag sa 1987 Constitution ng Korte Suprema. (Daris Jose)

Other News
  • Dahil nag-resign si Miss Thailand: Korona ng ‘Miss Interglobal 2021’, binigay kay Miss PH MIRIAM REFUERZO DAMOAH

    BAGO pa man maganap ang Miss Universe pageant, nakapanalo ulit ang Pilipinas ng isa pang korona mula sa isa pang international beauty pageant.     Binigay ang korona bilang Miss Interglobal 2021 kay Miss Philippines Miriam Refuerzo Damoah pagkatapos mag-resign ni Miss Thailand Nachita Jantana. Si Damoah ang first runner-up kay Jantana sa naturang Nigeria-based […]

  • Kiamco sinargo ika-4 na titulo sa Louisiana

    SINAKOP ng mga Pilipino ang unang tatlong puwesto  sa katatapos na 6th Annual Buffalo’s Pro Classic Open 9-Ball Billiard sa Jefferson, Louisiana, USA.     Naghari si Warren Kiamco nang manaig kay Roland Garcia sa all-Pinoy finals upang ibulsa ang $4,500. Kumita si Garcia ng $2,300 habang ang tumerserong si Carlo Biado may $1,200.   […]

  • Bataan-Cavite bridge, paluluwagin ang trapiko sa Kalakhang Maynila-PBBM

    KUMPIYANSANG inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makatutulong ang  Bataan-Cavite Interlink Bridge na mapaluwag ang trapiko sa Kalakhang Maynila.     Si Pangulong Marcos ay dumalo sa  Bataan-Cavite Interlink Bridge (BCIB) Milestone Ceremony na isinagawa sa bayan ng Mariveles sa Bataan.     Sinabi nito na ang  travel time sa pagitan ng mga lalawigan […]