• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Estudyante, 1 pa kulong sa 560 grams marijuana sa Caloocan

SHOOT sa selda ang dalawang hinihinalang drug personalities na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos makuhanan ng mahigit P67K halaga ng droga sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong mga suspek na si alyas “Ivan”, 26, stock man at alyas “Desiree”, 20, grade 10 student at kapwa ng Block 28 Lot2, Tierra Nova Phase 3, Brgy 171.

 

 

Sa report ni Col. Lacuesta report kay NPD Director P/BGen. Rizalito Gapas, nakatanggap ng tawag mula sa 911 ang desk officer ng Police Sub-Station 9 at ipinaalam sa kanila ang hinggil sa nagaganap umanong illegal drig trade sa kahabaan ng Cartagena St., Tierra Nova Phase 3, Brgy., 171, Bagumbong.

 

 

Kaagad namang pinuntahan nina PCpl Robinson Oya at PCpl Arby John Figueroa ang nasabing lugar kung saan nakita nila sa madilim na bahagi ng kalsada ang dalawang katao na tumutugma sa inilarawa ng 911.

 

 

Gayunman, nang mapansin ng mga suspek ang kanilang presensya ay tumakbo ang mga ito para tumakas kaya hinabol sila ng mga pulis hanggang sa makorner at maaresto dakong alas-10:35 ng gabi.

 

 

Nakuha sa mga suspek ang isang shoulder bag na naglalaman ng humigi’t kumulang 560 grams ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P67,200.

 

 

Pinuri naman ni Gen. Gapas ang Caloocan police sa pagkakaaresto nila sa mga suspek na kapwa mahaharap kasong paglabag sa Art 151 (Resistance and Disobedience to a person in authority) at R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002)  (Richard Mesa)

Other News
  • Hinihintay naman kung kailan mabubuntis si Maine: RIA, isinilang na ang baby boy nila ni ZANJOE

    KINUKUHA na raw ng kanyang namayapang ina ang cardiologist at tinaguriang Doktor ng Bayan na si Dr. Willie Ong na nakikipaglaban ngayon stage 4 sa sarcoma o abdominal cancer.     Pero ayon pa kay Doc Willie na kung talagang oras na para siya’y magpaalam ay maluwag niyang tatanggapin.   Ito ang ibinahagi ni Dr. […]

  • Dating kagawad tinodas ng riding in tandem sa Malabon

    Dedbol ang isang negosyante na dating barangay kagawad matapos pagbabarilin ng isa sa dalawang hindi kilalang mga suspek na sakay ng isang motorsiklo sa Malabon city, kamakalawa ng hapon.     Dead-on-arrival sa Ospital ng Malabon sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa katawan ang biktimang si Ricky Legaspi, 51 at residente ng Adante […]

  • Presyo ng itlog, inaasahang tataas dahil sa banta ng bird flu at mamahaling feeds

    PINAYUHAN  ng mga supplier ang mga vendor na tataas ang presyo ng mga itlog dahil sa banta ng bird flu at mamahaling feeds.     Sa kasalukuyan, nasa P7.00 hanggang P8.00 ang presyo ng mga itlog sa Balintawak Market sa Quezon City.     Kada nasa tatlo hanggang apat na araw umano nagtataas ng presyo […]