• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Lalaki na wanted sa pagpatay sa Valenzuela, nabitag sa Caloocan

ISANG lalaki na wanted sa pagpatay ang nasakote ng mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) ng Valenzuela police sa isinagawang manhunt operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Sa ulat ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr. sa Northern Police District (NPD), nakatanggap ng impormasyon ang SIS na naispatan sa Camarin, Caloocan City ang presensya ng akusadong si alyas “Roger” na kabilang sa mga most wanted person ng Valenzuela City.

 

 

Bumuo ng team ang SIS sa pangunguna ni P/Cpt. Ronald Sanchez saka nagsagawa ng manhunt operation kontra wanted persons na nagresulta sa pagkakadakip sa akusado dakong alas-7:00 sa Barangay 175, Camarin, Caloocan City.

 

 

Ani Cpt. Sanchez, inaresto nila ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Arthur B Melicor ng Regional Trial Court Branch 284, Valenzuela City noong June 23, 2023, para sa kasong Murder.

 

 

Pinuri NPD Director P/BGen. Rizalito Gapas ang Valenzuela police sa kanilang pinaigting na manhunt operation kontra wanted persons na nagresulta sa pagkakadakip sa akusado na pansamantalang ipiniit sa Custodial Facility Unit ng Valenzuela CPS habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte. (Richard Mesa)

Other News
  • Ilang mga hotel sa NCR tatanggap na ng staycation – DOT

    Nasa halos 6,000 na mga kuwarto mula sa 13 staycation hotels sa Natonal Capital Region (NCR) ang binuksan ng Department of Tourism (DOT) para sa mga bisita.     Sinabi ni DOT Secretary Bernadette Romulo-Puyat na pangunahin pa rin na prayoridad ang kalusugan at kaligtasan ng mga bisita at tourism workers.   Kanilang na-inspect na […]

  • LAOGAN, BAGONG DEPUTY COMMISSIONER NG BI

    ITINALAGA sa Bureau of Immigration (BI) si Daniel Y. Laogan bilang bagong Deputy Commissioner.     Si Laogan na isang Abogado by profession ay nagtapos ng Commerce mula sa University of Sto Tomas (UST), kumuha rin ito ng Master of Science in Commerce sa nasabi ring unibersidad at nagtapos ng Abogasya sa Ateneo de Manila […]

  • Pinay tennis player Alex Eala nabigo sa unang round ng 2021 Junior Orange Bowl Tennis

    Nabigo sa ikalawang round ng 2021 Junior Orange Bowl Tennis Championship girls’ singles si Filipina tennis player Alex Eala sa Florida.     Hindi nakaporma ang 16-anyos na si Eala kay Kristyna Tomajkova ng Czech Republic sa score na 6-3, 6-3.     Ito na ang kaniyang pang-huling torneo ngayong taon.     Maglalaro pa […]