• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

QC LGU, NAGDAOS NG SEMINAR PARA SA MGA SENIOR CITIZEN

NAGDAOS ng isang digital seminar ang Local Government Unit ng Quezon City at ang Globe Group na naglalayong makapagbigay ng kaalaman sa mga mamamayan na nasa senior age na, kaugnay sa patuloy na umuunlad at pabago-bagong digital landscape sa bansa sa pamamagitan ng  “Teach Me How To Digi” #SeniorDigizen Learning Session.”

 

 

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, ang proyektong ito ay upang magabayan ang mga senior citizen ng lungsod na makahabol at makasabay sa modernong teknolohiya.

 

 

Ayon pa sa Alkalde, prayoridad ng lungsod ang mga senior citizen ng lungsod lalo na sa usapin ng public service upang matulungan silang maging produktibo.

 

 

Tinuruan sa nasabing event ang nasa 400 na senior citizen ng pagseset-up ng email address, pagggamit ng smartphone at ang paggamit ng e-wallet na G-Cash at ang telehealth service na KonsultaMD.

 

 

Dagdag pa ni Belmonte, malaki ang maitutulong ng mga kaalamang ito sa mga senior QCitizens para makasabay sa mga nakababatang henerasyon pagdating sa makabagong teknolohiya.

 

 

Sabi pa niya Lubos tayong nagpapasalamat sa Globe sa kanilang programang ito para sa mga matatanda sa Lungsod Quezon na magbibigay daan sa kanila para maging produktibo sa kabila ng kanilang edad.

 

 

Ang proyektong ito ay alinsunod na rin sa layunin ng QC LGU na idigital na ang mga transakyon sa city hall, gaya ng pag-aaply ng permit at pagbabayad ng buwis. (PAUL JOHN REYES)

Other News
  • Ads February 16, 2021

  • Vice bumalik ang trauma, Maine hindi kinaya ang pamamaril sa mag-ina

    Tulad ng karamihan hindi rin kinaya nina Vice Ganda, Angel Locsin, Maine Mendoza at iba pang celebrities ang napanood na video sa pagpatay sa mag-ina ng isang pulis sa Tarlac dahil sa right-of-way.   Nag-viral ang nasabing video ng pamamaril ng pulis-Parañaque na si Police SMSgt. Jonel Nuezca sa mag-inang sina Sonya – 52 -– […]

  • Ads April 30, 2024