• February 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Vice bumalik ang trauma, Maine hindi kinaya ang pamamaril sa mag-ina

Tulad ng karamihan hindi rin kinaya nina Vice Ganda, Angel Locsin, Maine Mendoza at iba pang celebrities ang napanood na video sa pagpatay sa mag-ina ng isang pulis sa Tarlac dahil sa right-of-way.

 

Nag-viral ang nasabing video ng pamamaril ng pulis-Parañaque na si Police SMSgt. Jonel Nuezca sa mag-inang sina Sonya – 52 -– at Frank Gregorio – 25 – na kinasuhan na kahapon ng double murder.

 

“Natulala ako matapos ko mapanuod ung video. Bumalik yung trauma ko. Bumalik lahat ng pilit ko ng ibinabaon na alaala. Ung putok ng baril. Ung itsura nung tatay ko na parang baboy na sinasakay sa jeep. Ung mukha ng demonyo. Ang bigat ng nararamdaman ko,” tweet ni Vice.

 

Tweet naman ni Maine ; “BAKIT KAILANGANG UMABOT DOON? Hindi ko kaya, grabe, Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko pero pwede bang barilin ka nalang din sa harap ng anak mo? Sorry Lord pero sobra kasi yun eh. Sobra yung ginawa niya. Hustisya para sa mag-inang Gregorio. #STOPTHEKILLINGS.

 

“Bihira nalang magcheck ng Twitter, yun pa talaga bubu­ngad sayo. Ang sakit talaga sa puso… #STOPTHEKILLINGSPH #EndPoliceBrutality,” dagdag ni Maine·

 

Maging si Alessandra de Rossi ay galit ang naramdaman sa ginawa ng pulis noong Linggo ng hapon sa harap mismo ng anak niyang menor de edad. “Di” dapat yan, hindi Jon. Pota. #STOPTHEKILLINGSPH #EndPoliceBruta­lity. Justice sa lahat ng nawalan ng mahal sa buhay dahil lang sa init ng ulo ng ibang tao. It’s not fair.”

 

Pahayag naman ni Julius Babao – “Gusto kong maniwala na maraming pulis pa din ang mabubuti, Ang PNP ang dapat gumawa ng paraan para maayos nila ang kanilang hanay dahil ang video na ito ay patunay na mayroon talagang mga abusadong pulis na umaastang sila na ang batas at gobyerno. #StopThe­KillingsPH.”

 

Kuhang-kuha sa video ang brutal na pagbaril ng pulis sa ulo ng mag-inang walang nagawa.

Other News
  • Holyfield bagsak sa kamay ni Belfort

    Pinabagsask ni dating mixed martial arts fighter Vitor Belfort si dating boxing champion Evander Holyfield.     Sinamantala ng 44-anyos na Brazilian MMA fighter ang pagiging kahinaan ng 58-anyos na si Holyfield.     Hindi naman kuntento si Holyfield sa naging resulta ng laban.     Magugunitang si Oscar Dela Hoya sana ang makakaharap sana […]

  • ‘Bayanihan 3’, hinahangad na sertipikahan ni PRRD bilang ‘urgent’

    Umaasa si Marikina City Rep. Stella Luz Quimbo, na sesertipikahan ni Pangulong Duterte bilang ‘urgent’ ang panukalang P420-bilyon Bayanihan 3, na nihain nilang dalawa ni Speaker Lord Allan Velasco, upang pasiglahin ang pagbangon ng ekonomiya ng bansa mula sa pandemyang dulot ng COVID-19.     Kapag naisabatas, ang House Bill 8628 o “Bayanihan to Arise […]

  • Bilang ng mga adolescent mothers, bumaba sa 23.8K sa taong 2020

    INIULAT  ng Commission on Population and Development (PopCom) na bumaba ng 23,855 ang bilang ng mga kabataan na nanganak noong 2020.     Noong 2019, umabot sa 180,915 ang mga ipinanganak ng mga ina na wala pang 19 taong gulang at bumaba sa 157,060 noong nakaraang taon.     Ang isang malaking bahagi ng pagbaba […]