• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Quiapo Church idineklara nang ‘National Shrine’

PORMAL nang idineklara na “National Shrine” ang Minor Basilica of the Black Nazarene (Quiapo Church) sa isang seremonya ng deklarasyon sa loob ng simbahan January 29.

 

 

Pormal na tinanggap ni Manila Arcbishop Jose Cardinal Advincula at ni Fr. Rufino “Jun” Sescon, ang official decree na nagdedeklara sa Quiapo church bilang National Shrine mula kay Bishop Pablo David.

 

 

Matatandaan na unang idineklara na National Shrine of the Black Nazarene ang Quiapo Church sa ika-126 Plenary Council ng Catholic Bishops Conference of the Philippine noong Hulyo 9, 2023 sa Kalibo, Aklan.

 

 

Itinaas ang Simbahan bilang isang shrine makaraang maabot ang mga pangangailangan ng national Episocpal Conference na kumikilala sa impluwensya ng simbahan sa kultural, kasaysayan, at sa buhay ng mga mananampalataya.

 

 

Partikular dito ang debosyon sa Itim na Nazareno ng mga Katoliko at ang tradisyunal na Traslacion na humahatak ng milyon-milyong deboto kada Enero ng bawat taon.

 

 

Noon pang 1987 nang ideklara ni St. John Paul II, ang dating Santo Papa, na Minor Basilica ang Quiapo Church.

 

 

Samantala, idineklara ni Pope Francis na minor basilica ang St. John the Baptist Church o simbahan ng Taytay sa Rizal, ayon sa anunsyo ng Diocese of Antipolo.

 

 

Tatlong araw ito makaraang unang ideklara naman na International Shrine ang Our Lady of Good Voyage sa Antipolo City nitong Enero 26.

 

 

Ang nasabing simbahan ng Taytay ay itinatag noong 16th century at kauna-unahang minor basilica ng Diocese of Antipolo. (Daris Jose)

Other News
  • Mga Pilipino sa Italy, nakisaya sa tagumpay ng national team sa EURO 2020

    Maging ang mga Pilipino ay nakikisaya sa naging panalo ng Italy laban sa England sa isinagawang EURO 2020.     Sa naging panayam kay Bombo International News Correspondent Annabel Quismorio Noble tubo ng Barangobong, Luna, La Union at naninirahan na sa Italy na maging sila ay masaya sa panalo ng Italy national team.     […]

  • Gilas, sa Qatar na tutungo para sa February window ng FIBA qualifiers

    Idaraos na sa Doha, Qatar ang mga laro ng Gilas Pilipinas para sa ikatlo at huling window ng 2021 FIBA Asia Cup qualifier.     Kung maaalala, napilitan ang Pilipinas na umatras sa hosting ng mga laro ng Group A at C sa Clark, Pampanga dahil sa travel ban na ipinataw ng pamahalaan.     […]

  • 50K tauhan ng PNP, BFP idineploy

    Mahigit sa 50,000 tauhan ng Philippine National Police (PNP) at Bureau of Fire Protection (BFP) ang idineploy ng pamahalaan para matiyak ang maayos na daloy ng national COVID-19 vaccine rollout sa bansa.     Kasunod na rin ito nang inaasahang pagbabakuna ng pamahalaan ngayong Hunyo ng may 35.5 milyong manggagawa na nasa ilalim ng A4 […]