• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Feb. 9 at 10, kapwa holidays -PCO

TINIYAK ng Malakanyang na idineklara nitong special non-working days kapwa ang Pebrero 9 at 10 sa buong bansa dahil sa pagdiriwang ng Chinese New Year.

 

 

Ito ang kinumpirma ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil sa gitna ng pagkalito ng ilang mga Filipino matapos na magpalabas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ng Proclamation No. 453 nito lamang Enero 18, na nagdedeklara ng special non-working day sa araw ng Biyernes, Pebrero 9 para sa nasabing okasyon.

 

 

Karagdagan ito sa Proclamation No. 368, na may petsang Oktubre. 11, 2023, na nagdeklara naman sa Pebrero 10, 2024, bilang special non-working day sa buong bansa para sa Chinese New Year.

 

 

Ang pinakabagong proklamasyon, nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, maituturing na ang nasabing linggo ay isang “long weekend” at kauna-unahang long weekend ng taon.

 

 

Base sa Proclamation No. 453, ang holiday ay idineklara para pahintulutan ang mga mamamayan na magdiwang ng Chinese New Year.

 

 

“The declaration of 09 February 2024, Friday, as an additional special non-working day throughout the country will give the people the full opportunity to celebrate the Chinese New Year and enable our countrymen to avail of the benefits of a longer weekend,” ang nakasaad sa proklamasyon.

 

 

Inaatasan ng Proclamation No. 453 ang Department of Labor and Employment (DOLE) na magpalabas ng kaukulang circular sa pagpapatupad ng proklamasyon para sa pribadong sektor.

 

 

Ang Chinese New Year ay tanda ng pag sisimulan ng bagong taon traditional lunisolar Chinese calendar.  (Daris Jose)

Other News
  • PCG at counterpart, nag-usap sa pagpapatrolya sa labas ng EEZ

    INIULAT  ng Philippine Coast Guard (PCG) na tinalakay nito kasama ang kanilang counterpart  sa Japan at United States ang posibleng pagsasagawa ng pagpapatrolya sa labas ng Philippine Exclusive Economic Zone (EEZ) o tinatawag na’ high seas’.     Ayon kay PCG commandant Admiral Ronnie Gil Gavan, tinalakay ng tatlong bansa ang usapin sa kamakailang Shangri-La […]

  • Bukod sa regalo nila na ‘Mission To Venus’ watch: Pagkanta nina ZIA at SIXTO, ‘the best gift’ para kay MARIAN

    “MY everything,” ang sabi ni Kapuso Primetime Queen tuwing ipu-post niya sa social media accounts ang family, husband Kapuso Primetime King Dingdong Dantes and their two children na sina Zia at Sixto.       Labis ang kasiyahan niya na after three years ay muli siyang nakapag-celebrate ng birthday, dahil during the pandemic, tahimik lamang siyang […]

  • Dedma na sa gustong mang-intriga sa kanilang pagsasama: MARIAN, ipinagtapat na si DINGDONG talaga ang pinakasagot sa mga dasal niya

    SA YouTube vlog ni Celeste Tuviera, ipinagtapat ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, na ang asawang si Dingdong Dantes, ang talagang sagot ng Diyos sa kanyang mga dasal.        “Isa ito sa ipinagdasal ko kay Lord, sabi ko, ‘Lord gusto kong magkaroon ng asawa, isang responsible, na bibigyan ako ng anak at simpleng buhay,” pahayag ni Marian.     “Basta masaya […]