• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

38 porsyentong Pinoy tiwalang gaganda ekonomiya ng bansa – OCTA

NANINIWALA ang 38% ng mga adult Filipinos na gaganda ang ekonomiya ng bansa sa susunod na anim na buwan.

 

 

Base sa non-commissioned survey ng OCTA Research na ginawa noong Disyembre 2023, ang 38% ay mas mataas sa 27% na nagsabing gaganda ang ekonomiya noong October 2023.

 

 

Bumaba naman sa 8% noong December 2023 ang nagsabing hindi gaganda ang ekonomiya mula sa 14% noong October 2023.

 

 

Sa naturang survey, may 51% ang nagsabi na mananatiling pareho ang lagay ng ekonomiya at tatlong porsyento ang nagsabi na hindi alam.

 

 

Sa socioeconomic classes, 51% sa Class ABC ang nagsabi na gaganda ang ekonomiya.

 

 

Nasa 12% sa Class E ang nagsabi na hindi ito gaganda.

 

 

Nasa 49% naman ang nagsabi na gaganda ang kanilang buhay sa susunod na anim na buwan habang 45% ang nagsabi na mananatili sa kasalukuyan ang lagay ng kanilang buhay.

 

 

Nasa apat na porsyento ang nagsabi na lalong lalala ang lagay ng kanilang buhay.

Other News
  • Sa pagtatapos ng ‘Maging Sino Ka Man’: DAVID, nagbigay na ‘quick hint’ sa next project nila ni BARBIE

    HULING gabi na ng special limited series nina Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza at Pambansang Ginoo David Licauco, ng “Maging Sino Ka Man,” pero hindi ibig sabihin ay mawawala na ang BarDa fever.        Last Saturday, sa “24 Oras Weekend” ini-report ni Nelson Canlas na nagbigay na ng quick hint si David ng susunod […]

  • Pagbibigay ng emergency use authorization ng FDA sa Sinopharm posibleng matapos na

    Posibleng matapos na hanggang sa susunod na linggo ng Food and Drugs Administration (FDA) ang evaluation para sa emergency use authorization (EUA) application ng Sinopharm para sa kanilang COVID-19 vaccine.     Sinabi ni FDA Director General Eric Domingo sa ginanap na pakikipagpulong kay Pangulong Rodrigo Duterte, kasalukuyan nilang pinag-aaralang mabuti ng mga vaccine experts […]

  • Mag-ina, 1 pa timbog sa P17.5 milyon shabu sa Caloocan

    ARESTADO ang tatlong umano’y big-time drug pushers kabilang ang isang online seller at kanyang ina matapos makuhanan ng higit sa P17.5 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan city, kamakalawa ng hapon.     Kinilala ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr. ang naarestong mga suspek na sina […]