Dahil naging matagumpay ang 2023 MMFF: COCO, may pinaplanong filmfest movie kasama sina BONG, LITO at ROBIN
- Published on February 2, 2024
- by @peoplesbalita
DAHIL naging matagumpay ang 2023 Metro Manila Film Festival ay maraming bigating artista ang naghahandang sumali sa 50th MMFF sa December.
On going na ang pagpaplano ng isang pang-MMFF film na pagsasamahan daw ng mga bigating senador na sina Bong Revilla, Robin Padilla at Lito Lapid.
Hindi lang daw ang tatlong senador ang bida kungdi kasama pa rin nila ang Kapamilya aktor na si Coco Martin.
Nagkaroon na raw ng initial meeting at present lahat ng apat na nabanggit na pangalan.
Mukhang wala na raw problema sa pagsasama ng apat dahil inaayos na ang kanilang schedules.
Si Brillante Mendoza raw ang magdidirek ng naturang movie na binubuo pa rin ang istorya at kung anu-ano ang magiging role ng bawat isa, huh!
***
ISA pa rin sa possible entry pa rin sa 2024 MMFF ay ang pelikulang pagsasamahan naman nina Judy Ann Santos, Gladys Reyes, Claudine Barretto at Angelu de Leon.
Sa wedding anniversary ng mag-asawang Gladys at Christopher Roxas, nabalitaan ang nasabing proyekto pero mismong si Claudine ang umayaw kung kasama raw nila si Angelu.
But still decided na raw ang producer na ang apat ang magiging bida sa untitled film na planong ilahok sa taunang MMFF.
Kaya nga raw may gumawa ng move na ayusin ang pinagmulan ng gusot sa pamamagitan nina Claudine at Angelu.
Bukod sa movie with Coco, Bong, Robin at Lito and yung kina Judy Ann, Gladys, Angelu and Cladine mas masaya at mas exciting abg 50th Metro Manila Film Festival kung pagsamahin din sa isang movie sina Vilma Santos, Sharon Cuneta, Maricel Soriano and Nora Aunor, huh!
Magsasama sa isang movie ang Star for All Seasons, Megastar, Diamond Star at ang Superstar, bongga di ba?
May susugal kayang produ?
Four versus four versus four…
(JIMI C. ESCALA)
-
LRT 1 expanded Baclaran depot nagkaroon ng inagurasyon
NAGKAROON ng inagurasyon noong Miyerkules ang expanded na Light Rail Transit Line 1 Baclaran depot na isa sa mga vital components ng LRT 1 Cavite extension project. Kasama ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade sa inagurasyon sila Japanese Ambassador Koshikawa Kazuhiko, Light Rail Manila Corp. (LRMC) president at CEO Juan […]
-
Psalm 5:3
O Lord, in the morning you hear my voice; in the morning I prepare a sacrifice for you and watch
-
Australia ‘di bibigyan ng special treatment ang mga tennis players na naka-quarantine
Tiniyak ng Australian health authorities na walang “special treatment’ sa mga tennis player na naka-quarantine bago ang pagsisimula ng Australian Open. Sinabi ni Victoria Premier Daniel Andrews, magiging pantay-pantay ang pagtrato nila sa lahat ng mga naka-quarantine. Ang nasabing hakbang ay para hindi na malabag ang anumang health protocols na ipinapatupad. Nauna […]