• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ayon sa filmmaker na si Joe Russo: LIZA, scene-steller sa ‘Liza Frankenstein at future Superstar

PINURI ng American director-producer na si Joe Russo ang Pinay aktres na si Liza Soberano matapos mapanood sa kanyang Hollywood debut film na “Liza Frankenstein”.

 

 

Sa X (dating Twitter) account ng direktor, ibinahagi nito ang kanyang opinyon tungkol sa pelikula:

 

 

“Movies like LISA FRANKENSTEIN can be great vehicles to break new stars, and @zeldawilliams and Diablo Cody found a superstar in Liza Soberano, who steals every scene she’s in as Lisa’s step-sister, Taffy.”

 

 

Sinang-ayunan naman ito ng co-star at bida sa movie si Kathryn Newton sa naging komento ni Joe.

 

 

“YES SHE DOES [stars emoji] I [love] Liza,” say ni Kathryn.

 

 

Pinuri rin naman ng naturang direktor ang lead actress ng pelikula, “By the way, you’re pretty epic in this too!!! You could tell you guys were having a blast.”

 

 

Ang “Lisa Frankentein” ay ang kauna-unahang Hollywood project na ginawa ni Liza na pinagbibidahan naman nina Kathryn Newton at Cole Sprouse, na showing na sa February 7 nationwide.

 

 

Samantala, kinumpirma ni Enrique Gil, na masaya at together pa rin sila ni Liza, matapos kumalat na hiwalay na sila.

 

 

Sa kanyang interview kay Gretchen Fullido, nilinaw ito ng aktor at sinabing, “Yeah, yeah. We’re happy! We’re just really busy.”

 

 

Dagdag pa ni Quen, “I think we just realized in life that we shouldn’t just be centered around each other. We can do more and grow more with our paths and we can achieve more, and it will just make us better.”

 

 

Nabanggit din ng Kapamilya actor na magiging busy si Liza sa pag-promote ng “Lisa Frankenstein”, kaya sa darating na Valentine’s Day, ang kanyang mommy ang makaka-date muna.

 

 

Sa February 14 din ang showing ng movie niyang “I Am Not Big Bird”.

 

 

Dagdag pa niya, “Sadly, Liza is going to be in the US for ‘Lisa Frankenstein,’ but hopefully, if she gets back in time, she said she was gonna go and support me.”

 

 

***

 

 

KAHIT na medyo maginaw pa rin lalo na sa madaling araw, iba pa rin ang pakiramdam na hatid ng tunay na snow.

 

At matatagpuan lang ito sa Snow World Manila, na nakahanda na rin ngayon para salubungin ang Year of the Dragon at Valentine’s Day.

 

Marami nang naiibang karanasan sa loob ng Snow World Manila. Ilang ulit nang nangyari na habang namamasyal sila sa loob nito, lumuhod na lang sa yelo ang lalaki at inalok ng kasal ang kanyang girlfriend.

 

Doon nagsimula ang engagement na nauwi sa kasalan.

 

Marami namang dahil sa ginaw ay nagyakapan at na-realize nila na may pagtingin pala sa isa’t isa. Doon nagsimula ang kanilang pag-iibigan.

 

Sinasabi ng mga feng shui experts na nangyayari iyan dahil sa mandarin duck na nasa may Snow Village. Ang mandarin duck ay sagisag ng pag-iibigan pang habang buhay sa paniwala ng mga taga-silangan.

 

Dahil ang mga hayop na iyan ay tapat sa kanilang mga partner habang buhay, at kung mamatay man ang isa, hindi nagtatagal at namamatay din ang partner.

 

Kaya nga sa tradisyon laging may mandarin duck sa mga kasalan, kung ‘di man totoo ay imahe man lang noon para magbigay suwerte sa mga ikinasal.

 

Kaya nga sinasabing nagkakaroon din ng “romantic feeling” basta nasa loob ng Snow World.

 

Bukod doon, nakahanda na rin ang Snow World para salubungin ang Chinese New Year. May mga nakasabit nang Chinese lanterns at mga dragon figures, para salubungin ang swerteng Year of the Dragon.

 

Isang kilalang feng shui expert mula sa Singapore ang siyang nagbigay ng gabay kung anong mga figures, lanterns at kung paano ang directions ng mga iyon para magbigay swerte sa mga magdiriwang ng Chinese New Year sa Snow World.

 

Kung giginawin naman, maaaring uminom ng hot chocolate sa coffee shop sa loob mismo ng Snow World.

 

At para mas swerte at magbigay ng tibay sa pagsasamahan maaaring kumain ng sticky rice mango, dahil sinasabing mas magiging mahigpit ang pagsasama at dahil sa tamis ng mangga, magiging matamis rin diumano ang pag-iibigan.

 

Kaya huwag na ninyong palampasin ang pagkakataon na ipagdiwang ang Year of the Dragon sa loob ng Snow World sa Star City.

 

Ang Snow World Manika ay bukas mula alas dos ng hapon Huwebes hanggang Linggo.

(RATED R)

Other News
  • Anak ni DOJ Sec. Remulla nasa kustodiya ng PDEA matapos pormal na sampahan ng kaso

    NASAMPAHAN  na ng kaukulang kaso ang panganay na anak ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla na si Juanito Jose Diaz Remulla III.     Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) spokesperson Dir. Derrick Carreon, nakasuhan na si Remulla ng paglabag sa Section 4 o importation of dangerous drugs sa ilalim […]

  • Registered owner rule hindi pwede gamitin na basehan para ipataw sa registered owner ang multa ng NCAP traffic violation kung iba ang driver

    SA ISANG  news item nagulat ako sa pahayag ng isang taga- QC Hall na ang basehan daw kung bakit ang registered owner ang liable sa no-contact apprehension ay ang  Registered Owner Rule.     With due respect po ang registered owner rule ay ginagamit para habulin ang registered-owner kapag may aksidente HINDI PAG TRAFFIC VIOLATION. […]

  • NBI, inatasan ni PDu30 na magsagawa ng masusing imbestigasyon hinggil sa nangyaring shootout sa QC

    INATASAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng masusing imbestigasyon kaugnay sa nangyaring shootout sa Commonwealth Avenue, Quezon City.   Ipinag-utos din ng Pangulo sa binuong joint panel ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na itigil na ang isinasagawa ng mga itong imbestigasyon. […]