• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

“Walang puwang ang mga ‘paninira, paghahatakan pababa’ -PBBM

“SA isang Bagong Pilipinas, walang puwang ang mga paninira at paghahatakan pababa.

 

 

Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang YouTube channel sabay sabing “unahin natin ang ating bayan. Magbago na tayo dahil walang Bagong Pilipinas kung walang bagong Pilipino.”

 

 

Noong nakaraang linggo, tinawag na ‘bangag’ at binatikos ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Pangulong Marcos dahil sa umano’y plano nitong mapanatili ang kanilang kapangyarihan kasabay ng isyu ng People’s Initiative para amyendahan ang Konstitusyon.

 

 

Si Digong Duterte ay nagsalita sa isang prayer rally sa Davao City, na ginanap sa parehong araw na ginanap ni Marcos ang kanyang Bagong Pilipinas kickoff rally sa Quirino Grandstand sa Maynila.

 

 

Inakusahan din niya si Marcos na isang adik sa droga at sinabing ang nangyari sa kanyang ama na si Ferdinand Sr—na napatalsik sa kapangyarihan noong 1986 ng People Power Revolution—maaaring mangyari rin sa kanya.

 

 

Habang pinagbibitiw naman sa puwesto ni Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte si Pangulong Marcos.

 

 

Ayon sa alkalde, dapat magbitiw si Pangulong Marcos kung wala itong pagmamahal at mithiin para sa Pilipinas.

 

 

Samantala, ang resbak naman ni Pangulong Marcos kay Digong Duterte ay “Sa tingin ko ito ang Fentanyl. Ang Fentanyl ang pinakamalakas na pain killer na mabibili mo. Ito ay lubos na nakakahumaling at ito ay may napakalubhang epekto, at si PRRD ay umiinom ng gamot sa napakatagal na panahon ngayon,” sabi ni Pangulong Marcos.

 

 

Ginawa ni Pangulong Marcos ang pahayag nang hingan ng reaksyon sa mga alegasyon na ibinato laban sa kanya ng dating Pangulo.

 

 

“Ito ay panawagan para sa kolektibong kilos tungo sa pagbabago ng ating pag-iisip, pananalita at gawa. Ito ay hindi pagtakip sa kung anong kakulangan man ang mayroon,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang video message.

 

 

“Ito ay imbitasyon sa bawat isa na kabahagi ka sa paghahanda at pagpapaganda ng ating bansa,” aniya pa rin. (Daris Jose)

Other News
  • Nahabag sa kalagayan ng mga lumisan dahil sa giyera: RYAN REYNOLDS at BLAKE LIVELY, nag-donate ng $1 million para sa Ukraine relief ng United Nations

    ANG pagiging seryoso sa trabaho at ang maging responsableng ama ang naging malaking pagbabago ni Mark Herras sa sarili niya.     Simula noong magkaroon sila ng anak ng misis niyang si Nicole Donesa, ito na raw ang lagi niyang naiisip at gusto niyang paghandaan ang kinabukasan nito.     Tapos na raw si Mark […]

  • Para nakamit ang pagbabago at kaunlaran: PBBM, hinikayat ang mga bise-gobernador na tulungan ang administrasyong Marcos

    HINIKAYAT ni Pangulong  Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga bise-gobernador na makiisa at tulungan ang administrasyon para nakamit ang pagbabago at kaunlaran ng bansa.     Ang panawagan ng Pangulo ay inihayag nito sa  oath-taking ceremony ng mga opisyal ng League of Vice Governors of the Philippines (LGVP) sa President’s Hall ng Malakanyang.     […]

  • ISINAGAWA ang pagdiriwang ng 49th Metro Manila Film Festival Parade of Stars sa mga Lungsod ng Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela (CAMANAVA)

    ISINAGAWA ang pagdiriwang ng 49th Metro Manila Film Festival Parade of Stars sa mga Lungsod ng Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela (CAMANAVA) kung saan tampok ang makukulay na mga float ng sampung pelikulang kalahok ngayon taon. Nagsimula ang kick-off program sa Navotas Centennial Park sa pangunguna nina Metro Manila Development Authority (MMDA) Acting Chairman, Atty. Don Artes, […]