Nahabag sa kalagayan ng mga lumisan dahil sa giyera: RYAN REYNOLDS at BLAKE LIVELY, nag-donate ng $1 million para sa Ukraine relief ng United Nations
- Published on March 3, 2022
- by @peoplesbalita
ANG pagiging seryoso sa trabaho at ang maging responsableng ama ang naging malaking pagbabago ni Mark Herras sa sarili niya.
Simula noong magkaroon sila ng anak ng misis niyang si Nicole Donesa, ito na raw ang lagi niyang naiisip at gusto niyang paghandaan ang kinabukasan nito.
Tapos na raw si Mark sa kanyang pagiging gastador at pagiging isang babaero. Kailangan daw ay tama lahat ng gawin niya para sa kanyang pamilya.
“Noon kasi, siyempre, marami tayong mga hindi magagandang ginagawa. Lahat naman iyon, pinagsisihan kong gawin. Noong mawala na yung mga taong nag-alaga at nagmahal sa akin, doon na ako natutong maging responsable sa mga kinikita ko. Hindi na puwede yung ubos-biyaya tayo.
“Noong dumating si Nicole at si Baby Corky, mas dumoble ang pagiging seryoso ko sa buhay. Hindi na ako bata na puwedeng gawing excuse yung hindi mo alam ito o nagkamali ka. Dapat lahat ng gawin ko ay tama kasi gusto kong maging role model ng anak ko paglaki niya.
“Kaya noong mag-lock-in taping kami for ‘Artikulo 247’, talagang inaral ko ang character ko. Binigay ko yung hinihingi ng role kasi ang gagaling ng mga kasama ko rito. Mapapanood nila ang ibang Mark Herras sa teleserye na ito,” pahayag ng Kapuso actor.
Kung sa mga past roles daw ni Mark ay maangas at medyo bad boy siya, kabaligtaran daw ngayon sa Artikulo 247 dahil isa siyang mayaman, disente at mabait.
“Feeling ko nga nagkapalit kami ng roles ni Benjamin (Alves), kasi mas bagay sa kanya yung role ko as Elijah. Pero yun daw ang gusto ng direktor namin na si Direk Jorron (Monroy). “Gusto niyang maalis kami sa dating alam naming gampanan. He wants to see a different side sa acting namin. Kaya tutok talaga ako sa role ko na na-enjoy kong gawin. For once kasi, hindi ako bad boy!” tawa pa niya.
***
NAG-DONATE ng $1 million ang mag-asawang Ryan Reynolds at Blake Lively para sa Ukraine relief ng United Nations.
Sa New York City premiere ng bagong pelikula ni Ryan na The Adam Project, sinabi nito na nahabag ang puso niya sa kalagayan ng maraming Ukrainians na kailangan lisanin ang kanilang mga tahanan at maging refugee sa ibang bansa dahil sa giyera na sinimulan ng bansang Russia.
Noong napag-alaman nila ni Blake ang tungkol sa UNRefugee.org, agad silang nag-donate.
“We are lucky enough and fortunate enough that we can do it, and also, I cannot imagine what it is like to have to leave your home and I can’t imagine what it is like to leave your home in an hour’s notice. We felt like it was the right thing to do and help bring others into that conversation… It’s been incredible,” sey ng aktor.
Sa The Adam Project, gumaganap na isang fighter pilot from the future si Ryan at na-meets niya ang sarili niya noong 12-year-olds siya.
“I wanted to tell this type of story. There was an emotional core to it you could not deny… It reminded me of all the kind of movies I loved as a kid — ‘E.T.,’ ‘Goonies,’ ‘Stand by Me,’ ‘Back to the Future’… They weren’t just for kids, or they weren’t just for adults, they were for everyone. To center on the point of view of a kid and what that’s like for a kid, and something spectacular happens.”
(RUEL J. MENDOZA)
-
Team Philippines reresbak sa 2023 Cambodia SEAG
MAITUTURING pa ring tagumpay ang kampanya ng Pilipinas sa katatapos na 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam. Ito ay mula sa hinakot na 52 gold, 70 silver at 104 bronze medals ng Pinas para pumuwesto sa fourth place sa overall medal standings bagama’t apektado ng pandemya ang training ng mga atleta simula […]
-
MAUREEN, nagpasalamat sa supporters at nag-apologize sa kanyang ‘white lies’; trending ang pagpasok nila ni KISSES sa ‘MUP’
NAGPASALAMAT ang first Filipina winner ng Asia’s Next Top Model na si Maureen Wroblewitz sa kanyang mga supporters sa Instgram, kasabay ng pag-a-apologize sa ‘di pagsasabi ng totoo tungkol sa pagsali niya sa 2021 Miss Universe Philippines. Panimula ni Maureen sa kanyang post, “Surprise! I apologize for the white lies. As difficult as […]
-
Mapapa-LSS at marami ang makaka-relate sa movie: REY, walang tinago at punum-puno ng kulay at drama ang buhay
TUNAY ngang punum-puno ng kulay at drama ang pinagdaanang buhay ng OPM hitmaker at award-winning composer na si Rey Valera sa biopic na dinirek ni Joven Tan, ang “Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko (The Music of Rey Valera).” Ito ang official entry ng Saranggola Media sa first Summer Metro Manila Film Festival […]