• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

TARGET ng gobyerno na mas mapaaga pa ang 1st phase ng operasyon ng Manila subway Project

Ayon kay  Presidential Chief Legal Counsel Atty Salvador Panelo, sa halip na February 2022 simulan ang unang yugto ng operasyon ng Manila Subway, pipilitin aniyang makapag- operate na ito ng December 2021.

 

Sinasabing taong 2025 naman inaasahang magiging fully operational ang proyekto na nagkakahalaga ng 3 daan, 55 punto anim na bilyong piso.

 

Ang underground railway project ay bubuuin ng 17 istasyon na inaasahang makakabawas ng malaking oras sa biyahe halimbawa mula Valenzuela hanggang sa NAIA 3.

 

Ang dati aniyang mahigit sa dalawang  oras na biyahe mula sa Valenzuela depot hanggang NAIA 3 ay kakayaning makuha na lamang ng 45 minuto at itoy sa sandaling matapos na ang proyekto. (Daris Jose)

Other News
  • Nuezca, sibak na sa serbisyo sa PNP

    Sibak na sa serbisyo at itinuturing nang sibilyan si Police SMSgt. Jonel Nuezca, isang pulis na isinisangkot sa pagpatay ng ilang sibilyan matapos ang alitan sa “boga” at “right of way,” ayon sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP), ika-11 ng Enero.  Ito ang kinumpirma ni PNP spokeseperson Brig. Gen. Ildebrandi Usana .   “[Chief […]

  • Mr. M, happy and certified Kapuso na at magiging consultant ng GMA Artist Center

    ISANG big welcome ang binigay kay Mr. M (Johnny Manahan) kahapon, July 13 sa naganap na online contract signing sa GMA Network.      Doon nga nalaman kung ano talaga ang magiging position nila sa network, at tulad ng balita magiging consultant siya sa GMA Artist Center para maka-develop ng new breed of GMA artists. […]

  • Foreign vessel na bumangga sa mga Pinoy papanagutin – PBBM

    NANGAKO si Pangulong Ferdinand “Bongbong Marcos Jr. na papanagutin ang foreign commercial vessel na bumangga sa sinasak­yang bangka ng mga Pinoy na mangingisda na ikinasawi ng tatlo katao sa Bajo Masinloc, kamakalawa ng madaling araw.     Ayon kay Marcos, gagawin lahat ng pamahalaan ang paraan para mabigyang hustisya ang pagkamatay ng tatlo.     […]