• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bunsod ng pagiging number one na krimen ang ‘rape’: Abalos, ipinag-utos ang mas maraming kapulisan sa ilang lugar sa Pinas

IPINAG-UTOS ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr. sa Philippine National Police (PNP) na gawin ang lahat ng makakaya para protektahan ang mga kabataang kababaihan at paigtingin ang implementasyon ng “Kuwarto ni Nene” program sa mga komunidad kung saan tumaas ang sexual abuse cases laban sa mga kabataang kababaihan.

 

 

“Rape is now the number one crime in some parts of the Philippines,” ayon kay Abalos.

 

 

“I was surprised na merong lugar na hindi nakawan, hindi cybercrime, kung hindi number one crime is rape,’’ aniya pa rin.

 

 

Ipinaliwanag naman ng Kalihim na ang “Kuwarto ni Nene” ay proyekto ng PNP na naglalayong protektahan ang mga kabataang kababaihan at tiyakin ang kanilang kaligtasan mula sa mga sekswal na mandaragit.

 

 

“I asked the PNP, we have this program, it’s called Kwarto ni Nene. Where we give out (building) materials para yung mga nagdadalaga, (dapat) may sariling kwarto na. Hinihiwalay na,” aniya pa rin.

 

 

Sa ilalim ng nasabing programa, sinabi ni Abalos na dapat na regular na binibisita ng mga babaeng pulis at social workers ang mga tinedyer na biktima upang i- check ang kanilang kapakanan.

 

 

Tinuran pa ni Abalos na kinokonsidera rin nila ang posibilidad na magpalabas ng polisiya na maghihikayat sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na ipaalam sa kanilang barangay ang kanilang pag-alis.

 

 

Layon nito ay magsagawa ng regular na pagbisita ang barangay women officers, pulis at social welfare officials sa bahay ng OFWs at I-check ang situwasyon at kondisyon ng kanilang anak.

 

 

Sa kabilang dako, sinabi pa rin ng Kalihim na makikita sa 2022 National Demographic and Health Survey na ginawa ng Philippine Statistics Authority (PSA) na 17.5% ng mga kababaihang Filipina na may edad na 15 hanggang 49 ay may karanasan o nakaranas ng “physical, sexual at emotional violence”mula sa kanilang intimate partners.

 

 

“The Philippines continues to be the leading Asian country in closing the gender gap according to the 2023 Global Gender Gap Index Report by the World Economic Forum,’’ ayon kay Abalos. (Daris Jose)

Other News
  • PBBM, unang head of state na bibisita sa China sa 2023

    SI Pangulong  Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang unang world leader na nakatakdang bumisita sa China sa  2023.       Sa idinaos na Foreign Ministry press conference ng China, sinabi ni spokesperson Wang Wenbin na  “Marcos will be the first foreign head of state China will receive in the new year.”       “This […]

  • Rehistradong SIM cards, 99.5 milyon na

    UMABOT na sa higit 99.5 milyon ang bilang ng mga rehistradong SIM cards sa bansa.     Sa datos ng National Telecommunications Commission (NTC) nitong Linggo, nabatid na hanggang 11:59 PM ng Hunyo 15, 2023, ang total number ng SIM registrants ay umabot na sa 99,505,222.     Sa naturang bilang, 47,024,431 ang subscribers ng […]

  • Presyo ng petrolyo muling sumirit

    MATAPOS  ang rollback noong nakalipas na linggo, muling sisirit sa araw na ito ang presyo ng mga produktong petrolyo, na sanhi ng hindi pa na­reresolbang banggaan  sa pagitan ng  Russia at Ukraine.     Sa magkakahiwalay na advisories, tataas ng P8.65 ang pump prices sa kada litro ng diesel at P3.40 sa kada litro ng […]