Imbestigasyon ng PNP sa bomb threat sa Kongreso, nagpapatuloy-Acorda
- Published on February 7, 2024
- by @peoplesbalita
NAGPAPATULOY ang ginagawang imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP) sa napaulat na serye ng bomb threat na natatanggap ng mga miyembro at empleyado ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Benjamin Acorda Jr. na nakikipagtulungan na sila sa Kongreso at napagkasunduan na paigtingin ang imbestigasyon at mag-deploy ng canine personnel doon.
Hindi naman direktang sinagot ni Acosta ang tanong kung kasama ang anggulong political sa kanilang iniimbestigahan.
“Well, as of now, everything is… kumbaga we are following up the… all lines na possible na pag-uumpisahan ng investigation,” aniya pa rin.
Sa ulat, inamin ni House Secretary General Reginald Velasco na may mga pagbabantang natatanggap ang ilang kasapi at staff ng mababang kapulungan ng Kongreso.
Tumanggi si Velasco na tukuyin ang pangalan ng House members at staff na nakatangap ng mensahe pero seryoso nila itong tinutugunan para na rin sa kaligtasan ng lahat.
Halimbawa ng pagbabanta ang diumano’y ‘pagpapasabog sa Batasan’ pero ang pinakaseryoso umano ay ang kahina-hinalang pag-iikot ng motorcycles sa premises ng compound.
Dahil diyan nagpatupad ng paghihigpit sa pagpasok sa Batasan Complex at lahat ng sasakyan, kahit na may Issued ID mula sa Kamara ay sumasailalim pa rin sa masusing inspeksyon at pinapasadahan ng Bomb-sniffing dog.
Bawal na ring mag-park ng motorsiklo sa harapan ng alinmang gusali sa loob ng Batasan.
Maging sa deliveries ay hanggang gate na lamang at duon lamang ito pwedeng tanggapin.
Hindi rin masabi ni Velasco kung kunektado ito sa mainit na People’s Initiative (PI), maliban sa pagsasabing nitong buwan lamang ng Enero natanggap ang sunod-sunod na pagbabanta. (Daris Jose)
-
Pagsibak sa 18 PNP officials, ipatutupad na
TULUYAN nang sisibakin sa serbisyo ng Philippine National Police (PNP) ang 18 opisyal na tinanggap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang courtesy resignation matapos na masangkot sa P6.7 bilyong illegal drug trade noong nakaraang taon. Ayon kay PNP chief PGen. Benjamin Acorda, ang pagsibak sa mga ito ay alinsunod sa kanyang pakikipagpulong […]
-
Planong pahiyain si BBM, totoo
MAYROON diumanong sabwatan para kutyain at ipahiya si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. upang dungisan ang reputasyon nito. Tinukoy ni dating Senate President Juan Ponce Enrile ang isang mapagkakatiwalaang source, nagbabala ang dating mambabatas na may ilang grupo mula sa Estados Unidos at Pilipinas ang sinasabing magkasabwat upang gawan ng gulo si Marcos. […]
-
Sinabihang ‘banong umarte’ sa mismong kaarawan: DAVID, aminado na apektado ‘pag naba-bash ang acting
AMINADO naman si David Licauco na kapag naba-bash ang acting niya ay apektado siya. Lahad ni David, “Siguro pag bina-bash ang acting ko. Dun ako naba-bad trip. Minsan gusto kong mag-reply. “Pero siyempre, e, entitled naman sila sa opinions nila, e. “Pero OK lang naman sa akin. Sa totoo lang, immune na […]