• January 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Planong pahiyain si BBM, totoo

MAYROON diumanong sabwatan  para kutyain at  ipahiya si  President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. upang  dungisan ang reputasyon nito.

 

 

Tinukoy ni  dating Senate President Juan Ponce Enrile  ang isang mapagkakatiwalaang source, nagbabala ang dating mambabatas na may ilang grupo mula sa Estados Unidos at  Pilipinas  ang  sinasabing magkasabwat  upang gawan ng gulo si Marcos.

 

 

“I just picked up what I consider to be a credible information that there are groups in America and in the Philippines planning and preparing to cause serious embarrassment and trouble for our newly-elected President,” ang pahayag nito sa kanyang Facebook post.

 

 

Hindi naman dinetalye ni  Enrile ang sinasbaing sabwatan para dungisan ang imahe ni Marcos.

 

 

Gayunman, sinabi nito na magbibigay siya ng karagdagang detalye sa “proper official” ng incoming Marcos administration “in due time.”

 

 

“Caution is the name of the game. You are just starting you[r] travel in troubled waters. Your adversaries have not stopped. To borrow a phrase from someone, right now ‘they are hiding their brightness and biding their time,’” ayon kay Enrile.

 

 

Pinayuhan naman ni Enrile ang  incoming security officials ng administrasyong  Marcos na paigtingin ang  kanilang  intelligence gathering.

 

 

Sinabi nito na ang  “soft and pacific” na paninindigan para payapain ang  mga kritko ay hindi magandang ideya.

 

 

“I have a humble unsolicited advice for the national security officials of the new regime. Instead of making soft and pacific statements seemingly intended to quiet and to gain the cooperation, trust, and confidence of the habitual trouble makers in this country, I suggest that they should sharpen their intelligence information,”ayon kay Enrile.

 

 

Ang babala ni Enrile ay  inihayag nito dalawang linggo bago pa ang  oath-taking ni  Marcos  bilang pang-17 Pangulo ng bansa.

 

 

Idaraos ang inagurasyon ni Marcos sa  National Museum of the Philippines sa Maynila sa Hunyo 30. (Daris Jose)

Other News
  • PAGTUGON SA SAKUNA AT EMERGENCY, PINALAKAS NG VALENZUELA

    LALO pang pinahusay ng Lungsod ng Valenzuela ang kanilang mga kakayahan sa pagtugon sa sakuna at emergency response capabilities sa lungsod sa pamamagitan ng pinakabagong digital innovation nito na V-Alert Button.       Ang makabagong mobile application na ito ay nagsisilbing lifeline sa mga oras ng krisis, na nagbibigay ng access sa isang komprehensibong […]

  • Ads August 2, 2021

  • Korte Suprema, itinakda sa February 2025 ang pagdinig sa paglilipat ng Philhealth fund

    ITINAKDA na ng Korte Suprema sa susunod na taon ang oral arguments sa mga petisyong kumukuwestyon sa paglilipat ng pondo ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) sa national treasury.       Batay sa report ng SC, gaganapin ang pagdinig sa Pebrero-4, 2025.     Una na itong itinakda ng kataas-taasang hukuman noon pang Nov. […]