• January 2, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Wala nang SAP sa 2021 budget – DBM

Wala nang ilalaan na pondo ang gobyerno para sa pamamahagi ng ayuda sa ilalim ng panukalang pambansang pondo para sa taong 2021.

 

Ito ang nilinaw ni Budget Secretary Wendel Avisado sa pagsisimula sa pagtalakay ng House Committee Appropriations ni Sen. Sonny Angara sa P4.5 trillion national budget para sa susunod na taon.

 

Sa nasabing pagdinig, tinanong ni Minority leader Franklin Drilon kung bakit walang alokasyon para sa Social Amelioration program o SAP gayung tumaas ang bilang ng mga pamilyang Filipino na naghihirap dulot ng COVID-19 pandemic.

 

Paliwanag ng kalihim, para sa taong 2021 ay mayroon lamang regular na programa ang DSWD at ito ay ang pamamahagi ng 4Ps.

 

Sabi ni Avisado, ang P200 bilyon budget para sa SAP sa ilalim ng Baya­nihan 1 na nagbenepisyo sa may 18 milyong Pinoy ngayong taon at panibagong P6 bilyon sa Bayanihan 2 ay ibinigay dahil hindi makapagtrabaho ang karamihan dulot ng lockdown.

 

Kaya walang probisyon ng SAP para sa susunod na taon.

 

Bukod dito, nag-i-invest umano ang gobyerno sa infrastructure projects na magbibigay ng “multipier effect” para magkaroon ng maraming trabaho at magpapataas sa ekonomiya ng mga Filipino na mas mabuti umano kaysa mamahagi ng ayuda.

Other News
  • Together Until the End: Watch the Final Trailer for “Venom: The Last Dance”

    PREPARE for the final chapter in Eddie and Venom’s story. Watch the trailer for Venom: The Last Dance.     Starring Tom Hardy, this gripping…   Eddie and Venom’s partnership faces its ultimate test as their story reaches a dramatic conclusion in “Venom: The Last Dance.“   Slated to crash into Philippine cinemas on October […]

  • Mga nabakunahang OFWs sa Pinas makakapasok na ng Hong Kong simula Aug. 30

    Papayagan nang makapasok sa Hong Kong mula Agosto 30 ang mga manggagawang Pilipino na nabakunahan sa Pilipinas kontra COVID-19, ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III.     Pumayag na kasi aniya ang Hong Kong na tanggapin ang maipapakitang vaccine cards ng mga OFWs mula sa Bureau of Quarantine ng Pilipinas.     Tinatayang aabot […]

  • DERRICK, naghintay ng magandang timing at nanggulat sa underwear pictorial

    NOON pa hiling ng mga beki na gawing endorser ng Bench Body underwear si Derrick Monasterio dahil sayang daw yung ganda ng katawan nito kung ang ini-endorse niya ay t-shirt, jacket at jeans.     Naunahan pa raw si Derrick nina Paul Salas at Gil Cuerva na mag-underwear sa pictorial eh mas maganda raw ang katawan niya. […]