Abalos, wala pang naisusumiteng ‘short list’ ng mga posibleng maging susunod na hepe ng PNP kay PBBM
- Published on February 8, 2024
- by @peoplesbalita
INAMIN ni Department of Interior And Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr., na wala pa siyang naisusumiteng ‘short list’ ng posibleng maging susunod na hepe ng Philippine National Police (PNP).
Ito’y sa gitna ng nakatakda ng pagreretiro ni PNP Chief Dir Gen Benjamin Acorda sa March 31.
Sa press briefing sa Malakanyang, todo puri si Abalos kay Acorda na aniyay maraming nagawa sa PNP dahil sa malawak na karanasan nito.
Sa katunayan, sa naging paglalarawan ni Abalos sa naging trabaho ni Acorda sa PNP, “excellent job” na maging sa mga hinaharap na panahon ay mararamdaman ang mga nagawa nito sa kapulisan.
Samantala, sa darating na Disyembre 4, 2023 ang dapat sana’y retirement ni Acorda ngunit pinalawig pa ito ni Pangulong Marcos ng hanggang March 31 ngayong taon. (Daris Jose)
-
Feeling legit rock star ang ‘Bagong Oppa Ng Bayan’: DAVID, dream come true na mag-perform sa big crowd
FEELING legit rock star ang chinito hunk at ‘GoodWill’ bida na si David Chua habang hinaharana ang kanyang rumored jowa at co-star na si Devon Seron sa NET25 Summer Blast music festival, na tinanghal sa Philippine Arena last weekend, May 13. Mahigit 150,000 ang nagpunta sa summer shebang sa Philippine Arena na nilahukan ng ilan […]
-
86% Pinoy stress dahil sa pandemya – SWS
NAKAPAGTALA ng 86 porsyentong Filipino ang nakakararanas ng pagkastress dahil sa pandemya ayon sa Social Weather Stations (SWS). Napag-alamang 58 porsyento ng mga Filipino na may edad na 18 taong gulang pataas ang nakararanas ng lubhang pagkastress; 27 porsyento naman nakaranas ng pagkastress habang 15 porsyento lamang ang nakaranas ng konti o walang pagkabahala. […]
-
PBBM, personal na binisita ang mga lugar na binaha at lubog pa rin sa baha sa Malabon, Navotas at Valenzuela
KUMBINSIDO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na may pangangailangan na muling suriin ang disenyo para sa flood control facilities sa Kalakhang Maynila. Sinabi ng Pangulo na marami kasing flood control projects sa National Capital Region (NCR) ang hindi epektibo para pigilan ang pagbaha, maging ang volume o dami ng ulan na mas mababa kaysa sa […]