• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MAGTIPID NG TUBIG, EL NIÑO KAKABIG – PAGASA

NANAWAGAN ang isang hydrologist sa publiko, partikular sa mga residente ng Metro Manila, na magtipid ng tubig dahil na rin sa patuloy na pagbaba ng water level sa ilang mga dam.

 

 

Ayon kay hydrologist Sonia Serrano, sa kanilang pagbabantay sa Angat Dam na nagsusuplay sa 98 porsyento ng potable water sa Metro Manila sa pamamagitan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System, naobserbahan ang pagbaba ng 0.9 meter sa water level nito mula Feb. 1 to 8 at karamihan sa water levels ng mga dam ay bumaba mula noong Enero.

 

 

Sa kasalukuyan, lahat ng dam ay mas mababa sa normal water levels ng mga ito, na 212 meters para sa Angat, 575 meters para sa Binga, 280 meters para sa San Roque, 221 meters para sa Pantabangan, 193 meters para sa Magat, 288 meters para sa Caliraya, 80.15 meters para sa La Mesa, at 752 meters para sa Ambuklao.

 

 

Subalit, tumaas ang water levels ng La Mesa at Ambuklao sa nakalipas na 24 oras, kung saan umakyat ang lebel ng tubig sa La Mesa ng 0.10 meter sa 77.89 meters, at Ambuklao ng 0.02 sa 750.91 meters.

 

 

Nitong Enero, sinabi ng PAGASA na inaasahan na ang patuloy na pagbaba ng lebel ng tubig sa ilang dam dahil sa nararanasang malakas na tropical cyclone ng bansa.

 

 

Iginiit din niya ang paggamit ng recycled water bilang pambuhos sa mga toilet, at pagbawas ng ginagamit na tubig para sa paliligo at paglilinis ay makatutulong ng malaki sa pagtitipid ng tubig. (PAUL JOHN REYES)

Other News
  • Tuloy na tuloy at wala nang urungan: Cong. ARJO, inaming within this year na ang kasal nila ni MAINE

    KAKAIBA talaga ang ‘Korina Interviews’ ni Korina Sanchez-Roxas na umeere tuwing Linggo ng hapon sa NET 25 dahil cool na cool at masarap panoorin.     At sa latest episode na pinalabas last April 30, ang magkapatid na Arjo at Ria Atayde naman ang in-interview ni Ate Koring, na kung saan kitang-kita ang closeness ng […]

  • Number coding, maaaring mapalawak sa Kalakhang Maynila ngayong Alert Level 1 na- MMDA

    MAAARING lumawak pa ang number coding scheme sa Kalakhang Maynila ngayong sumailalim na sa Alert Level 1.     Ang pahayag na ito ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ay matapos na ianunsyo ng Malakanyang ang naging desisyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na ang National Capital Region at 38 iba pang lugar ay isasailalim […]

  • Animam, SHU nagreyna

    NAKADALE na naman ng isang kampeonato si Jack Danielle Animam sa kanyang playing career nang pangunahan ang pamamayagpag ng Shin Hsin University sa 2020-21 University Basketball Alliance championship nitong  LInggo sa Taiwan.     Dinispatsa ni Animam at ng SHU ang National Taiwan Normal, 70-51, sa finals sa Taipei Arena kung saan nanalanta ang Philippine […]