• September 27, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Animam, SHU nagreyna

NAKADALE na naman ng isang kampeonato si Jack Danielle Animam sa kanyang playing career nang pangunahan ang pamamayagpag ng Shin Hsin University sa 2020-21 University Basketball Alliance championship nitong  LInggo sa Taiwan.

 

 

Dinispatsa ni Animam at ng SHU ang National Taiwan Normal, 70-51, sa finals sa Taipei Arena kung saan nanalanta ang Philippine national player o Gilas Pilipinas Women member ng 18 points, 20 rebounds at four assists.

 

 

Ito ang ikalawang sunod kampeonato  ng Shin Hsin sa liga, na rito’y naglalarong import ng nasabing kolehiyo ang 22-anyos, may taas na 65 at isinilangng sa Bulacan na basketbolista.

 

 

Kakabida lang din ni Animam sa National University Lady Bulldogs na nag-six-peat crown sa 82nd University Athletic Association of the Philippines 2019-20 women’s hoop din. (REC)

Other News
  • Highly Anticipated Epic Film ‘Dune’, Reveals New Trailer And Character Posters

    OSCAR nominee Denis Villeneuve (“Arrival,” “Blade Runner 2049”) directs Warner Bros. Pictures and Legendary Pictures’ Dune, the big-screen adaptation of Frank Herbert’s seminal bestseller of the same name.     A mythic and emotionally charged hero’s journey, Dune tells the story of Paul Atreides, a brilliant and gifted young man born into a great destiny […]

  • P-Noy may sariling commemorative stamp

    Ginawan na ng commemorative stamps ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) ang namayapang dating Pangulong Benigno Aquino III.     Sinabi ni PHLPost chairman Norman Fulgencio na ang postage ay sumisimbolo ng pagkakaisa, respeto, pagmamahal sa bansa at pag-aalala sa isa’t-isa anumang lahi o paniniwala.     Dagdag pa nito na noong pumanaw ang dating pangulo […]

  • ‘Pagkampeon na naman ni Obiena sa Poland, magandang senyales sa pagsabak sa world championships’

    ALL SET na sa nalalapit na mas malaking event sa buwan ng Marso ang Pinoy Olympian na si EJ Obiena matapos na magkampeon na naman sa Orlen Copernicus Cup sa Poland.     Naghahanda kasi si Obiena para sa prestihiyosong World Indoor Athletics Championships na gaganapin sa Belgrade mula March 18 hanggang March 20.   […]