• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pag-ban sa POGO, aprub na sa House panel

DAHILAN sa pagkakasangkot sa samut-saring krimen tulad ng human trafficking, prostitusyon, forcible abduction, murder, investment scam, swindling at iba pa, pinagtibay na ng House Committee on Games and Amusement ang panukalang batas na nagbabawal sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na mag-operate sa Pilipinas.
Ang House Bill (HB) 5802 na dinidinig ng komite ay iniakda ni Manila 6th District Rep. Bienvenido Abante Jr. na noong una pa man ay tutol sa operasyon ng mga POGOs sa ilang commercial at urban areas sa bansa.
Ipinunto ni Abante na ang pagtaas ng kriminalidad na may kaugnayan sa operasyon ng mga POGO ang hudyat para ipagbawal na ang operasyon ng mga ito.
Ayon sa PNP, nasa 4,039 ang mga biktima ng mga krimeng may kinalaman sa POGO sa unang bahagi pa lamang ng 2023.
Sa panig ni PAGCOR Chief Al Tengco, sinabi nito na umaabot na sa 2,000 mga banyaga ang kanilang naipa-deport sa bansa dahilan sa pagkakasangkot sa krimen.
Ayon kay Tengco, may mga sapat silang hakbangin para mapigilan ang mga krimen na iniuugnay sa operasyon ng POGO.
Sa katunayan, ayon pa sa opisyal mula sa 300 noong 2019 ay nasa 75 na lamang ang mga POGO na nago-operate sa bansa.
Other News
  • Quo warranto vs ABS-CBN, sa Marso 10 pa aaksyunan – SC

    IPINAGPALIBAN ng Supreme Court (SC) ang pag-aksiyon sa quo warranto petition na inihain ni Solicitor General (SolGen) Jose Calida laban sa ABS-CBN franchise.   Pasok sa agenda ng En Banc session kahapon (Miyerkules), ang quo warranto at gag order petitios ng SolGen laban sa Kapamilya Network pero batay sa mapagkakatiwalaang source sa Korte Suprema, ipinagpaliban […]

  • Kahit ilang beses na siyang na-bash: CAI, ‘di mapipigilan sa pagdi-display ng ‘plus-size’ na katawan

    HINDI mapipigilan si Cai Cortez na maglantad ng kanyang alindog ngayong summer, kesehodang plus-size ang kanyang katawan.      Pino-promote ng First Lady actress ang body positivity at sa latest Instagram post niya ay nakasuot siya ng black and white swimwear kunsaan kita ang kanyang voluptuous curves.     Caption pa niya: “Due to insistent […]

  • Comelec, sinimulan na ang pag-imprenta ng mga balota para sa 4 na gagawing plebisito

    SINIMULAN na ng Commission on Elections (Comelec) ang pag-imprenta ng official ballots para sa plebisito sa Maguindanao.     Inanunsiyo ng poll body na ang printing ng official ballots para sa September 17 plebiscite ay sinimulan na kahapon sa National Printing Office sa Quezon City.     Noong Hunyo nang nagtakda ang poll body ng […]