• September 24, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Quo warranto vs ABS-CBN, sa Marso 10 pa aaksyunan – SC

IPINAGPALIBAN ng Supreme Court (SC) ang pag-aksiyon sa quo warranto petition na inihain ni Solicitor General (SolGen) Jose Calida laban sa ABS-CBN franchise.

 

Pasok sa agenda ng En Banc session kahapon (Miyerkules), ang quo warranto at gag order petitios ng SolGen laban sa Kapamilya Network pero batay sa mapagkakatiwalaang source sa Korte Suprema, ipinagpaliban muna ang pagpapasya sa mga petisyon at target na isalang muli sa En Banc sa March 10.

 

Sa ngayon, patuloy pa raw ang isinasagawa ng mga mahistrado na deliberasyon sa petisyon ng pinakamataas na abogado ng pamahalaan.

 

Una rito, samu’t sari ngang paglabag ang inilatag ni SolGen Jose Calida sa kanyang quo warranto petition laban sa ABS-CBN Corporation at kanilang subsidiary.

 

Kabilang umano dito ang pang-aabuso sa privilege na ibinigay ng estado nang ilunsad nito at nag-operate ng pay-per-view channel sa ABS-CBN TV Plus at KBO Channel na walang approval o permit mula sa National Telecommunications Commission.

 

Gaya din umano ng Rappler, nag-isyu rin ang ABS CBN ng Philippine Deposit Receipts (PDRs) sa pamamagitan ng ABS-CBN Holdings Corporation sa mga foreigner na paglabag sa foreign ownership restriction sa mass media.
Maging ang ABS-CBN Convergence, Inc. na dati umanong Multi-Media Telephony, Inc., ay nag-resort din sa ingenious corporate layering scheme para ilipat ang franchise na walang Congressional approval.

 

Bigo rin umano silang ilabas ang ano mang outstanding capital stock sa securities exchange sa bansa sa loob ng limang taon.

 

Maliban dito, hinahayaan din umano ng korporasyon ang mga foreign investors na makibahagi sa ownership ng Philippine mass media entity na paglabag sa foreign interest na nasa ilalim ng Section 11, Article XVI ng Philippine Constitution.

 

Sa kabilang dako ang ABS CBN Convergence, Inc. na dati umanong Multi-Media Telephony, Inc. ay nag-resort din sa ingenious corporate layering scheme para ilipat ang franchise na walang Congressional approval.

 

Bigo rin umano silang ilabas ang ano mang outstanding capital stock sa securities exchange sa bansa sa loob ng limang taon.

 

Pero ayon sa ABS CBN, awtorisado ng National Telecommunication s Commission (NTC) ang paggamit ng ABS CBN ng conditional access system software na ginagamit nito sa pay-per-view.

 

Maliban dito, mayroon din umanong certificate of good standing ang ABS-CBN TV Plus sa NTC noong 2019. (Daris Jose)

Other News
  • Pres. Marcos at King Philippe ng Belgium nagpulong

    IPINAGMALAKI nito na mayroon ng mahigit 76 taon na ang bilateral ties ng Pilipinas at Belgium.     Bukod kay King Philippe ay makakasalamuha ay magkakaroon din ng bilateral meeting ito sa mga lider ng Belgium, Estonia, Czech Republic, Spain, Denmark, Germany, Poland, Finland, Netherlands at European Union.

  • Mga atleta na sumabak sa Tokyo Olympics may karagdagang tulong pinansyal mula sa pangulo

    Binigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng mga cash incentives ang lahat ng mga atletang Filipino na sumabak sa katatapos na Tokyo Olympics 2020.     Ayon sa pangulo na mayroong tig-P2-milyon ang mga boksingerong sina Carlo Paalam at Nesthy Petecio na nagkamit ng silver medal habang P1-M naman si bronze medalist boxer Eumir Marcial at […]

  • Sotto sasabak sa NBA Draft

    ITUTULOY ni Kai Sotto ang pangarap nitong makapag­laro sa NBA matapos iha­yag ang pagsabak nito sa 2022 NBA Rookie Draft.     Mismong ang 7-foot-3 Pinoy cager na ang nagdeklara ng kanyang intensiyong lumahok sa draft sa kanyang post sa social media kahapon.     “I have declared for the 2022 NBA Draft. Please pray […]