• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Isang taon na ‘di nag-usap bago naibalik ang friendship: RITA, pinaghandaan ang pagsasabi ng nararamdaman niya para kay KEN

PINASOK na rin ni Glaiza de Castro ang pag-produce ng pelikula at ang unang venture niya ay co-producer niya si Ken Chan sa mystery-thriller film na ‘Slay Zone’.

 

 

 

Kakaibang Valentine movie raw ang ‘Slay Zone’ dahil panggulat daw ito sa mga magde-date sa Araw ng mga Puso. Kasama rito ni Glaiza ay sina Pokwang at Abed Green.

 

 

 

“Okey naman ang pag-produce namin ni Ken at wala namang naging problema sa ngayon. Hopefully maging maayos din sa mga susunod naming gagawin pa.

 

 

 

“Bilib ako kay Ken kasi kahit sobrang busy siya, nakakabisita pa siya sa location namin sa Bulacan. Kaya dun pa lang alam kong seryoso siya sa ginagawa namin,” sey ni Glaiza.

 

 

 

Kasalukuyang tinatapos ni Glaiza ang ilang araw na lang na taping sa South Korea ng ‘Running Man Philippines’.

 

 

 

***

 

 

 

NAGKABATI na ulit ang dating magka-loveteam na sina Ken Chan at Rita Daniela.

 

 

 

Kinuwento nila kung paano naganap ang aminan ng feelings sa isa’t isa, ang kanilang hindi pagkakaunawaan, at pagbabalik ng maganda nilang samahan bilang magkaibigan.

 

 

 

Ayon kay Rita, pinaghandaan niya ang pagsabi ng nararamdaman niya para kay Ken.

 

 

 

“Gumastos ako. Nagpa-reserve lang naman ako ng isang cottage tapos kami lang naka-reserve that day so sa amin ‘yung buong bundok. Para kaming nasa pelikula tapos may naka-set up na picnic,” sey ni Rita.

 

 

 

Sey naman ni Ken: “Through letters, tapos ‘yung sulat sobrang liliit, tapos binasa niya sa harap ko while she’s crying.”

 

 

 

Inamin ng dalawa na mahal nila ang isa’t isa pero pinili raw ni Ken na hindi mapunta sa relasyon ang kanilang samahan.

 

 

 

“Ang sabi ko, thank you. But I’m sorry. I was not ready. I was starting my businesses. Sabi ko sa kanya, hindi pa ako handa. Kasi kung magsisinungaling, sige let’s do this, and I am not ready, mas lalo ko siyang masasaktan.”

 

 

 

Sey ni Rita: “May part na kahit trinay lang ng kaunti, hanggang saan aabot. At least nagawa kaysa marami kang what ifs.”

 

 

Pag-amin ng dalawa, may isang taon silang hindi nag-usap bago mabalik ang kanilang friendship.

 

 

“It really took us time bago kami maging ganito ulit na nakakapag-usap kami, na puwede kami magtabi,” sey ni Rita.

 

 

 

Sumikat ang tambalang BoBrey at RitKen dahil sa teleserye nila Ken at Rita na ‘My Special Tatay’ noong 2018. Nasundan ito ng mga teleseryeng ‘One Of The Baes’ (2019) at ‘Ang Dalawang Ikaw’ (2021).

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • PDu30, nilagdaan ang batas na makapagbubukas pa sa retail sector ng Pinas sa mga foreign investors

    MAS pinadali na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga dayuhan na makapag- invest sa retail sector ng Pilipinas.     Ito’y matapos pirmahan ni Pangulong Duterte ang batas na Republic Act (RA) No.11595, na inamiyendahan ang RA No. 8762 o ang Retail Trade Liberalization Act na may dalawang dekadang taon na.     Ang […]

  • Pdu30, maayos ang kalusugan; regular ang swab test

    TINIYAK ng Malakanyang na maayos ang kalusugan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte matapos na muling nagpositibo sa Covid-19 si Interior Secretary Eduardo Año. Nakasama kasi ng Pangulo ang Kalihim sa isang pulong sa Davao City noong Agosto 10. “Okay po ang Pangulo. Regular po ang kanyang swab test kasi mas maraming swab test masakit ang […]

  • Feel the Adrenaline Rush of ‘Top Gun: Maverick’ in New Official Trailer

    GUARANTEED adrenaline rush.     Paramount Pictures’ Top Gun: Maverick is finally coming to cinemas across the Philippines May 25.     Watch the NEW official trailer below: https://www.youtube.com/watch?v=JPH9ewUvHYE     About Top Gun: Maverick     After more than thirty years of service as one of the Navy’s top aviators, Pete “Maverick” Mitchell (Tom Cruise) is where […]