• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malinta pumping station, 2 school buildings binuksan sa Valenzuela

ALINSUNOD sa pagdiriwang ng 26th Charter Day ng Valenzuela City, pinangunahan ni Mayor WES Gatchalian ang pagpapasinaya at pagbabasbas sa bagong gawang Malinta Pumping Station, at dalawang bagong gusali ng Pinalagad Elementary School sa Barangay Malinta.

 

 

Ang bagong gawang pumphouse ay matatagpuan sa Barangay Malinta na isang mahalagang proyekto ng Lungsod bilang solusyon para maiwasan ang mga pagbaha sa panahon ng tag-ulan sa mababang lugar ng Malinta at mga karatig barangay ng Lungsod ng Malabon.

 

 

Sa kasalukuyan, may kabuuang bilang na 24 pumping station ang lungsod kabilang itong bagong bukas na pumphouse na may tatlong unit ng 270-horsepower water pump na may kapasidad na 2 cubic meters para sa bawat pump at isang 500 KW electric generator para sa backup.

 

 

Bukod dito, pinangunahan din ni Mayor WES ang pagbubukas ng dalawang bagong 4-storey school building sa Pinalagad, Barangay Malinta na nakatayo sa 300-square-meter na lote na donasyon ng pamilya Gan kung saan mayroon itong 24 na silid-aralan, isang activity center, isang cafeteria, at isang administrative at faculty office.

 

 

Ang bagong Pinalagad Elementary School na ito ay maaaring tumanggap ng humigit-kumulang 1,000 mag-aaral bawat araw at tumutugon sa pangangailangang magtayo ng bagong paaralan sa loob ng komunidad ng Pinalagad.

 

 

Sa kanyang maikling pahayag, ibinahagi ni Mayor WES ang kanyang inspirasyon kung paano siya nakabuo ng mga makabuluhang proyekto para sa Pamilyang Valenzuelano sa Sitio Pinalagad.

 

 

“Sa totoo lang, hindi ko po nakikita ang vision noong panahon, dahil alam kong napakasikip ng lugar natin. Nagsisikipan ang mga bahay dito, nagsisiksikan ang mga tao dito, dahil wala po tayong lupa. Pero pwede palang mangyari ang isang bagay na akala natin ay imposible. Dito sa Pinalagad ay nagtayo po tayo ng gusali na maaaring magbigay ng classroom sa mahigit isang libong estudyante,” aniya.

 

 

Nagpahayag din ng pasasalamat si Mayor WES kay Mr. Kelvin Gan at sa kanyang pamilya sa pagbibigay ng lote kung saan matatagpuan ang bagong pampublikong paaralan. (Richard Mesa)

Other News
  • PBBM, tumungo ng Cambodia para dumalo sa 41st ASEAN Summit

    NAGTUNGO sa Phnom Penh, Cambodia si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Ito’y upang dumalo sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summits na kung saan ay inaasahang ilalatag ng Pangulo ang patungkol sa post-pandemic economic recovery at iba pang prayoridad.     Kabilang dito ang food security, energy security, digital transformation, digital economy at Ang […]

  • Bigyan ng break ang ilang mga frontliners

    IREREKOMENDA ni Chief Implementer Carlito Galvez kay One Hospital Command Head DOH Undersecretary Leopoldo Vega na mabigyan ng bakasyon ang ilang mga frontliners.   Ang hakbang ay bunsod na rin ng hirit ni Presidential Spokes- man Harry Roque sa gitna ng gumagandang estado o utilization rate ng mga health facilities na nasa singkuwenta porsiyento na […]

  • Ads April 15, 2021