• January 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bigyan ng break ang ilang mga frontliners

IREREKOMENDA ni Chief Implementer Carlito Galvez kay One Hospital Command Head DOH Undersecretary Leopoldo Vega na mabigyan ng bakasyon ang ilang mga frontliners.

 

Ang hakbang ay bunsod na rin ng hirit ni Presidential Spokes- man Harry Roque sa gitna ng gumagandang estado o utilization rate ng mga health facilities na nasa singkuwenta porsiyento na lamang.

 

Sinabi ni Sec. Roque na ito ang magandang pagkakataong mabigyan ng break at mabigyan naman ng pahinga ang mga frontliners ngayong nalampasan na at wala na sa kritikal ang care capacity ng mga pagamutan.

 

“Maraming salamat, Sec. Galvez. Sec. Galvez, siguro po puwede nating irekomenda sa mga ospital na habang nasa 50% lang po ang ating utilization rate ng ating health facilities. baka pupuwedeng pagbakasyunin iyong ilang mga frontliners natin para sa ganoon ay makapagpahinga habang hindi pa po kritikal ang ating critical care capacity,” ayon kay Sec. Roque.

 

“Opo, gagawin po natin po iyan and we will recommend that to our One Hospital Command, kay Usec. Vega po,” ang tugon naman ni Sec. Galvez.

 

Nagpasalamat naman si Sec. Roque sa mabilis na pagtugon ni Secretary Galvez sa kanyang suhestiyon na makapag- bakasyon ang ilang health workers at front liners.

 

Batay sa datos ng IATF, mayroon pang 52% available na ICU beds… 55% available na mga isolation beds habang nasa 57% naman ang availability ng mga ward beds at nasa 73% naman ang available na mga ventilators. (Daris Jose)

Other News
  • DEV PATEL IS “NOT ONLY A GIFTED ACTOR, BUT ALSO ONE HELL OF A MARTIAL ARTIST,” SAYS “MONKEY MAN” FIGHT COORDINATOR

    DEV Patel got into impeccable shape and trained rigorously for his passion project, the action thriller “Monkey Man,” which the Oscar® nominated actor (“Lion,” ”Slumdog Millionaire”) also wrote and stars in.       “Dev is one of the hardest working filmmakers I ever worked with,” says fight coordinator Brahim Chab (“The Foreigner”). “He would come to […]

  • Florida ready i-host ang Olympics

    Handa ang Florida na saluhin ang pagtataguyod ng Olympic Games sakaling mag-backout ang Tokyo, Japan bilang host.     Ipinaabot na ni Florida chief financial officer Jimmy Patronis ang intensiyon ng American state kay International Olympic Committee (IOC) president Thomas Bach.     “To encourage you to consider relocating the 2021 Olympics from Tokyo, Japan […]

  • Ads July 23, 2020