Zubiri, Romualdez nagkasundo: ‘Word war’ tigil na
- Published on February 16, 2024
- by @peoplesbalita
NAGKASUNDO na sina Senate President Juan Miguel Zubiri at Speaker Martin Romualdez na itigil na ang “word war” sa pagitan ng dalawang kapulungan ng kongreso dahil sa kontrobersiya sa Charter Change sa pamamagitan ng People’s initiative (PI).
Ayon kay Zubiri, ginawa nila ang kasunduan sa harap mismo ni President Bongbong Marcos sa birthday celebration ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile sa Malacañang.
Sa harap ng Pangulo ay nagkamayan sila at nagkausap ni Romualdez at napagkasunduan din na itigil na ang bangayan at sa halip ay propesyunal na magtrabaho para sa benepisyo ng administrasyon at ng mga Filipino.
Sa tanong kung mayroong utos sa mga miyembro ng Senado at Kamara na itigil ang bangayan, sinabi ni Zubiri na depende ito sa mga senador at kongresista, subalit sa panig nila ay handa naman silang kalimutan ang lahat.
Dahil dito kaya umaasa si Zubiri na magkakaroon na ng “smooth flow” sa bicameral conference committee meeting at sa mga hearing ng Committee on Appointments.
Sa tanong naman kung susunod ang Senado sa panawagan ng Kamara na itigil ang imbestigasyon sa people’s initiative, sagot ni Zubiri hindi niya maaaring pigilan ang mga miyembro ng komite na ituloy ang pagdinig. (Daris Jose)
-
PIOLO at MAJA, big stars ng Dos pero ‘di sinuportahan ng kanilang fans; ‘Sunday Noontime Live’ kanselado na
BAKIT kaya hindi ni-renew ng Brightlight Productions ang kontrata nila sa TV 5 na naging dahilan kung bakit kanselado na ang Sunday Noontime Live? Farewell episode na Sunday Noontime Live last Sunday matapos ang tatlong buwan sa ere o isang season. Naglabas ng statement ng Brightlight Productions noong Sabado, January 16, saying na magtatapos na […]
-
Pinupuri ng netizens sa ginawang pagdalaw: KIM, sobrang saya na muling makita si KRIS after so many years
SOBRA saya nga ni Queen of All Media Kris Aquino nang dalawin siya ni Kim Chiu na itinuturing niyang panganay. Makikita sa IG post ni Kris ang video ng muli nilang pagkikita ng isa sa star ng ‘Linlang’ at nominated din sa Best Actress category ng The 6th EDDYS ng SPEEd na sa […]
-
Riding-in-tandem criminals yayariin ni Duterte!
TATAPATAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga riding-in-tandem criminals sa bansa sa pamamagitan nang pagbili ng mabibilis na motorsiklo. Sa kanyang mensahe sa bayan kamakalawa ng gabi, pinuna ng Pangulo ang pagtaas ng kriminalidad matapos luwagan ang ekonomiya na sinasamantala naman ng mga tandem o mga magka-angkas sa motorsiklo na gumagawa ng krimen. […]