Riding-in-tandem criminals yayariin ni Duterte!
- Published on October 21, 2020
- by @peoplesbalita
TATAPATAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga riding-in-tandem criminals sa bansa sa pamamagitan nang pagbili ng mabibilis na motorsiklo.
Sa kanyang mensahe sa bayan kamakalawa ng gabi, pinuna ng Pangulo ang pagtaas ng kriminalidad matapos luwagan ang ekonomiya na sinasamantala naman ng mga tandem o mga magka-angkas sa motorsiklo na gumagawa ng krimen.
“We have seen an upsurge of holdups, street crimes again it’s because of the liberality being offered by the opening of the economy. And of course, people are now allowed to roam freely and to travel. The most convenient way is really ‘yung motor. Kapag nakapatay sila, diretso sakay. I saw one footage ‘yung tinabihan lang,” anang Pangulo.
Balak ni Duterte na mas maging matigas sa pagtutok sa mga kriminal sa nalalabing dalawang taon ng kanyang panunungkulan.
“I really intend to go hard within the last two years of my term pati itong mga kriminal,” ani Duterte.
Aminado ang Pangulo na mahirap makontrol ang mga gumagawa ng krimen gamit ang motorsiklo na kayang lusutan ang buhol-buhol na trapik.
Isa sa solusyon na naisip ni Duterte ay ang pagbili ng mga 250cc na motorsiklo at pagsasailalim sa training ng mga highway patrol.
Ayon sa Pangulo, hindi dapat naka-uniporme ang mga ipakakalat na pulis upang hindi matunugan ng mga nagbabalak gumawa ng krimen. (Ara Romero)
-
United Clark, umaayaw sa Philippines Football League
Umatras ang United Clark na sumali sa second half ng Philippines Football League (PFL) season. Sinabi ng club noong Huwebes na kailangan nitong bawiin ang pakikilahok nito habang nasa isang ligal na labanan sa isang grupo ng pamumuhunan sa Singapore dahil sa hindi nabayarang mga bayarin, na nakaapekto sa mga operasyon nito. “Gustong […]
-
Ads March 21, 2023
-
Petisyon sa surge charge ng PUV may hearing sa susunod na taon
MAGKAKAROON pa ng hearing sa susunod na taon ang petisyon ng mga grupo ng transportasyon para sa surge charge kapag rush hours ng mga public utility vehicles (PUVs) kasama ang jeepneys at buses. Nagkaroon ng unang pagdinig sa petisyon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kung saan dinaluhan ng mga petitioners at […]