• July 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Istasyon ng EDSA busway sa SM North nagkaroon ng ground breaking

MAGKAKAROON ng isang “state-of-the-art” na estasyon na tatawaging Edsa Busway sa SM North EDSA matapos ang ginawang seremonya para sa ground breaking ng nasabing proyekto.

 

 

 

Tinatayang matatapos ang Edsa busway sa darating na July 31, 2024 kung saan ito ay magkakaron ng concierge, ticketing booth, at turnstiles para sa automatic fare collection system.

 

 

 

Lalagyan rin ng ramps at elevators sa estasyon upang magamit ng mga persons with disabilities (PWDs), senior citizens, mga pamilya na may kasamang mga bata, at mga buntis.

 

 

 

Ang mga pasahero at pedestrians ay magkakaroon ng isang convenient, ligtas, at komportable paglalakad sa EDSA patungo sa kabilang dako ng highway.

 

 

 

“The Edsa Busway Bridge and Concourse aims to provide safe, accessible, convenient and PWD-friendly walkways for commuters and pedestrians approaching the EDSA Busway stations and crossing EDSA from one side to another,” wika ng Department of Transportation (DOTr).

 

 

 

Kahit na kasama ang pasilidad para sa implementasyon ng automated fare collection system ay hindi pa rin ito magagamit dahil ito ay pag-aaralan pang mabuti.

 

 

 

Sa kabilang dako naman sa transportasyon, inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magkakaroon ng pansamantalang suspensyon ng operasyon ng Pasig River Ferry sa apat na istasyon.

 

 

 

Inihinto ang operasyon dahil sa panganib na maaaring mangyari dahil sa pagkakaroon ng “low water level” sa mga daungan. Ang mga sumusunod na istasyon ay pansamantalang wala munang operasyon: Lambingan, Sta. Ana, Maybunga, at PUP.

 

 

 

Habang ang ibang istasyon ay mayroon pa ring normal na operasyon ng Pasig River Ferry. LASACMAR

Other News
  • Ex-adviser ni Digong protector ng POGO?

    PINANGALANAN sa Senado ng isang babaeng Taiwanese ang umano’y protektor ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa na isang Michael Yang.   Sinabi naman ni Senador Risa Hontiveros na inaalam pa nito kung ang tinukoy na Michael Yang ng nasabing Taiwanese woman ay ang dating economic adviser ni Pangulong Rodrigo Duterte na may pangalan […]

  • WHO nagbabala na kalahati sa populasyon ng Europa mahahawaan ng Omicron

    NANINIWALA ang World Health Organization (WHO) na maaaring mahigit kalahati sa populasyon ng Europa ang sinasabing makakuha ng Omicron sa darating ng dalawang buwan.     Mahaharap din sa lockdowns ang ilang milyong mamamayan ng China sa ikalawang-taong anibersaryo ng COVID-19.     Sinabi ni Hans Kluge ang regional director ng WHO European Office, na […]

  • Vice bumalik ang trauma, Maine hindi kinaya ang pamamaril sa mag-ina

    Tulad ng karamihan hindi rin kinaya nina Vice Ganda, Angel Locsin, Maine Mendoza at iba pang celebrities ang napanood na video sa pagpatay sa mag-ina ng isang pulis sa Tarlac dahil sa right-of-way.   Nag-viral ang nasabing video ng pamamaril ng pulis-Parañaque na si Police SMSgt. Jonel Nuezca sa mag-inang sina Sonya – 52 -– […]