• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ETRAVEL REGISTRATION, LIBRE

BINIGYAN diin ni Bureau of immigration Commissioner (BI)  Commissioner Norman Tansingco na ang pagpaparehistro  ng eTravel ay libre at binabalaan nito ang publiko laban sa mga scammers.

 

 

“The eTravel registration process is absolutely free of charge.  We, therefore, advise the traveling public to register only in the government’s official website at https://etravel.gov.ph.,” ayon kay Tansingco.

 

 

Binalaan ni Tansingco ang publiko na mag-ingat sa mga mapanlokong mga websites na nanghihingi ng online payment  at maaaring i-report ito sa cybercrime investigation o sa coordinating center (CICC) via  sa kanilang website na https://cicc.gov.ph/report/.

 

 

Nag-isyu ng warning ang BI Chief kasunod ng mga ulat sa mga pasahero sa airport na nagsasabing nakarehistro na sila sa e Travel  at nakapagbayad na.

 

 

Tinatayang umabot sa P3,000 hanggang P5,000 ang sinisingil ng mga scammers  kung iko-convert ito na kadalasan ay tsina-charge ng US dollars.

 

 

Sa ulat ng mga opisyal ng BI sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na maraming pasahero ang na nabibigla na sinasabihan na kinakailangan nilang magparehistro sa eTravel  dahil ang digital QR code na kanilang ipinapakita ay hindi ma-access ng kanilang system.

 

 

It is only when they encounter our officers at the airport that these passengers would realize they have been duped by these fraudsters and scammers in the internet,” ani Tansingco. GENE ADSUARA

Other News
  • NTC, pinag-aaralan ang legalidad ng deactivation ng ilang internet services sa mga unregistered SIM cards

    INIHAYAG ng National Telecommunications Commission (NTC), na kasalukuyang nakikipagtulungan ito sa mga telecommunication companies upang tingnan ang legalidad ng panukalang i-deactivate ang ilang application at serbisyo ng mobile phone para sa mga user na ang mga SIM ay nananatiling hindi nakarehistro sa panahon ng 90-day na extension.     Ayon kay NTC deputy commissioner Jon […]

  • Canvassing of votes ng Presidente, VP ikinasa ng Senado, Kamara

    NAGPULONG  na ang mga Senador at Kongresista sa isasagawang pagha­handa para sa canvassing ng boto ng Presidente at Bise Presidente na gaganapin sa Mababang Kapulungan ng Kongreso umpisa sa Martes, Mayo 24 hanggang 27.     Sina House Secretary General Llandro Mendoza at mga opisyal ng Senado sa pangunguna ni Senate Secretary Atty. Myra Marie […]

  • BEAUTY, na-meet na ang young actor na si KELVIN na magiging ka-partner sa upcoming mini-series

    “ONE of my most challenging roles,” ang sagot ni Jim Pebanco when asked to describe his role as a cybersex den operator sa Lockdown.     “Noong nabasa ko pa lang, tuwang-tuwa na ako kasi ang ganda ng role at ang ganda ng script. Kaya pinag-aralan ko talaga mabuti ang script,” sabi ni Jim.   […]