• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kahit nadawit sa KathNiel break-up: ANDREA, tuloy-tuloy pa rin ang projects at ‘di ipi-freeze ng Dos

DAHIL sa success ng MMFF at MIFF entry na “Rewind” na pinabibidahan ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera ay sunod sunod na parangal ang ipagkaloob sa kanila at sa producer ng naturang movie. 
Bukod sa Box Office King and Queen para kina Dingdong at Marian ay may mga recognition din silang tatanggapin.
Nauna nang binigyan ng karangalan ang Kapuso stars ng Quezon City. Siyempre mainit na tinanggap ni Mayor Joy Belmonte sina Marian at Dingdong at iniabot sa dalawa ang pagkilala ng Quezon City dahil sa tagumpay ng “Rewind”.
Almost one billion na raw ang kinita ng pelikula at tiyak tataas pa Ito pag naibenta na ang movie sa streaming platform, huh!
After QC ay pinagkalooban din ng special commendation ang pelikula at ang DongYan ng senado at malamang susunod ang mababang kapulungan.
***
ITINANGGI ng kaibigang ABS-CBN insider ang isyung ipi-freeze muna ang career ni Andrea Brillantes.
Binanggit pa sa amin na isa sa namamahala ng mga project ng mga talent ng Dos na wala raw naman siyang nabalitaan na may move na pansamantalang hindi magkaroon ng proyekto si Andrea.
Ang isyu ay may kinalaman sa pagkadawit  ni Andrea sa hiwalayang Daniel Padilla at Katryn Bernardo, huh!
Dagdag pa ng kausap namin na walang binanggit ang management tungkol sa naturang isyu na walang ibibigay na project kay Andrea, dahil tuloy tuloy pa rin naman.
Katunayan pa nga ay kasalukuyang pinag-uusapan daw ng management ang next project ng lahat ng involve sa matagumpay na “Senior High” kung saan isa sa mga bida si Andrea.
Naniniwala pa rin ang source namin na kahit nadamay sa KathNiel break ang aktres ay hindi na lang siya basta-bastang isasantabi ng network.
(JIMI C. ESCALA) 
Other News
  • DOTr: 70 percent maximum kapasidad sa mga PUVs ipapatutupad pa rin

    Inihayag ng Department of Transportation (DOTr) na mananatiling 70 na porsiento ang maximum na kapasidad ang ipapairal sa mga public utility vehicles (PUVs) ngayon nasa Alert Level 3 ang Metro Manila.     Mahigpit na pinagutos ng DOTr sa mga pampublikong sasakyan sa lupa at sa mga stakeholders na ipatupad ang nasabing batas sa National […]

  • Patuloy ang pagtangkilik sa MRT 3 kahit wala ng libreng sakay

    MAY NAITALANG daily average na 300,000 na pasahero ang sumakay sa Metro Rail Transit 3 (MRT3) kahit na tapos na ang libreng sakay na nagpapatunay ang patuloy na pagtangkilik ng publiko sa rail line.       Ayon sa datus ng MRT 3, may kabuohang 321,978 na pasahero ang sumakay ng MRT 3 noong nakaraang […]

  • Ugnayan ng Pinas-Saudi , pinagtibay nina PBBM at Saudi Foreign Minister

    MULING pinagtibay nina Pangulong  Ferdinand  Marcos Jr. at Prince Faisal bin Farhan Al Saud, Minister of Foreign Affairs ng  Saudi Arabia ang ugnayan ng Pilipinas at Saudi Arabia.     Mainit na tinanggap ng Pangulo si Prince Faisal sa Malakanyang nang mag-courtesy call ang huli.     Naka-upload sa official Facebook page ng State-run Radio […]