• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DepEd sa mga schools: ‘Huwag masyadong dumepende sa printed modules sa distance learning’

Umaasa ang Department of Education (DepEd) na hindi masyadong dedepende sa printed modules ang mga paaralan bilang paraan sa paghahatid ng mga lesson sa mga estudyante.

 

Ayon kay DepEd Sec. Leonor Briones, bagama’t kinikilala nila ang paggamit ng printed na self-learning modules na magagamit ng mga mag-aaral na hindi maka-access sa digital modules o makadalo sa online classes, hindi raw dapat ito ang maging permanenteng sitwasyon.

 

Paliwanag pa ni Briones, maliban sa mahal ay may negatibo ring epekto sa kalikasan ang paggamit ng mga modules.

 

“May implikasyon kasi ang dependence sa modular learning dahil baka uubusin natin ‘yong mga puno natin sa kaka-produce [ng learning modules]. ‘Yong demand for paper [is high],” wika ni Briones.

 

“In the long run… talagang mas expensive ang modular,” dagdag nito.

 

Dagdag pa ng kalihim, dapat na magkaroon ng hakbang para maipakilala sa mga kabataan ang paggamit ng teknolohiya sa pag-aaral upang hindi mapag-iwanan ang mga Pilipinong estudyante.

 

“Nakakatulong talaga ‘yong mayroon nang exposure at may karanasan ang kabataan natin sa online at saka sa technology,” ani Briones.

 

Batay sa isinagawang survey ng DepEd, mas nais ng mga magulang ang modular learning bilang distance learning modality na gagamitin ng kanilang mga anak sa pasukan.

Other News
  • PARI NA KABAHAGI NG PEACE PROCESS, PUMANAW NA

    PUMANAW na ang pari na kabahagi sa pagsusulong ng prosesong pangkapayapaan sa Mindanao.   Sa impormasyong inilabas ng Catholic Bishop’s Conference of the Philippines, atake sa puso ang ikinasawi ni Father Eliseo “Jun” Mercado Jr, 72 anyos   Gayunman, negatibo na sa Covid-19 si Father Mercado nang bawian ng buhay kahapon sa Cotabato Regional Medical […]

  • DINGDONG, happy and proud na binahagi ang katuparan ng dream nila ni Mommy ANGELINE

    SOBRANG nakaka-touch pinost ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa kanyang social media accounts, ilang araw bago ang selebrasyon ng Mother’s Day sa buong mundo.     Last year, isang short film ang ginawa ni Dingdong para bigyang pugay ang lahat ng mga ina, kasama na ang asawa na si Marian Rivera-Dantes, na featuring sa […]

  • MARIAN, balitang handpicked ng Miss Universe organization para maging hurado; magkakahiwalay uli sila ni DINGDONG

    ‘PAG nagkataon, baka ilang araw lang pagbalik ni Dingdong Dantes mula sa kanyang lock-in taping at quarantine ay magkakahiwalay silang muli ng misis na si Marian Rivera.     Usap-usapan na nga na isa si Marian sa magiging judge ng Miss Universe 2021 na gagawin sa Israel. Sa December 12 ang coronation night, pero siyempre, […]