• June 29, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NAVOTAS LUMAGDA SA MOA UPANG MAGTATAG NG SCHOOL PESO DESK

PUMASOK ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa isang Memorandum of Agreement para sa pagtatag ng isang Public Employment Service Office (PESO) Help Desk sa Navotas Polytechnic College (NPC) at lahat ng senior high school sa Navotas.

 

 

Pinirmahan ni Mayor John Rey Tiangco ang MOA kasama si Dr. Meliton Zurbano, Schools Division Superintendent; Dr. Joel M. Chavez, Pangulo ng NPC; at Rey Sanglay, Supervising Labor and Employment Officer ng Department of Labor and Employment-CAMANAVA.

 

 

Layunin ng programa na palakasin ang paghahatid ng mga employment services sa mga estudyanteng Navoteño at mga bagong graduate.

 

 

Kasama sa mga serbisyo ang Special Program for the Employment of Students (SPES), impormasyon sa job market, referral at placement, career guidance at employment coaching, at Labor Education for Graduating Students (LEGS), bukod sa iba pa.

 

 

“Through the PESO Desks, Navoteño youth will be more guided, prepared, and equipped for the career they wish to pursue,” ani Tiangco.

 

 

“But more than being career-ready, we hope young Navoteños will develop discipline, critical and creative thinking, emotional stability, adaptability, and other skills and values that will help become successful in life,” dagdag niya.

 

 

Dumalo rin sa seremonya sina Estelita Aguilar, PESO Navotas Action Officer; Dr. Marco Meduranda, SDO Navotas Curriculum Implementation Division Chief; at Editha Peregrino, Public School District Supervisor.

 

 

Sinusuportahan ng pamahalaang lungsod ang mga naghahanap ng trabaho sa pamamagitan ng lingguhang mga in-house job interview at mega job fair. Nagbibigay din ito ng tulong at kinikilala ang mga posibleng kasosyo para sa student work immersion. (Richard Mesa)

 

Other News
  • PBBM, Biden posibleng magkita at muling magpulong sa Abril– envoy

    POSIBLENG muling magkita sina Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. at ang kanyang  US counterpart  na si Joe Biden kapag  nagtugma na available ang kani-kanilang iskedyul.     Ayon kay  Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel “Babe” Romualdez, inaayos na ang paghahanda para sa posibleng muling pagkikita at pagpupulong ng dalawang lider,  pansamantalang itinakda sa […]

  • DSWD at DILG inatasan ni PDU30 na pangasiwaan ang pamamahagi ng ayuda sa 1 LGU

    INALIS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa isang Local Government Unit (LGU) ang pamamahagi ng cash aid sa nasasakupan nito dahil sa kakulangan sa organisasyon.   Sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi ay inatasan ng Pangulo ang Department of Interior and Local Govenment (DILG) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) […]

  • MEET MARY AND JOSEPH IN THE CHRISTMAS MUSICAL “JOURNEY TO BETHLEHEM,” SHOWING IN TIME FOR THE FEAST OF THE IMMACULATE CONCEPTION

    THIS Christmas season, sing along to the story of Mary and Joseph and the birth of Jesus with Journey to Bethlehem, a live-action Christmas musical adventure for the entire family that stars Fiona Palomo, Milo Manheim and Antonio Banderas as King Herod. The film, which weaves classic Christmas melodies with humor, faith, and new pop […]