• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Valenzuela LGU, Ford motors nagsagawa ng libreng driving training

SA pagsisikap ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela na isulong ang ligtas na pagmamaneho, nakipagtulungan sina Mayor WES Gatchalian at Konsehal Sel Sabino-Sy sa Ford Motors Company at nagsagawa ng pagsasanay na tinawag na “Ford Driving Skills For Life,” na ginanap sa Club House, Barangay Canumay West.

 

 

Halos 300 katao ang nakilahok sa nasabing pagsasanay na pinangunahan ng mga propesyonal mula sa Ford Motors. Ang mga kalahok ay nagmula sa publiko at pribadong sektor kabilang ang mga kawani mula sa Valenzuela City Disaster Risk Reduction and Management Office (VCDRRMO), Valenzuela City Police Station (VCPS), Barangay Workers, at ilang empleyado ng City Hall.

 

 

Bukod dito, lumahok din at sumubok ng ilang unit ng sasakyan na dala ng Ford ang mga mag-aaral mula sa Our Lady of Fatima University (OLFU), Valenzuela City Technological College (ValTech), at Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela (PLV).

 

 

Bago ang aktwal driving test, dumalo ang mga kalahok sa isang araw na seminar bilang bahagi ng kanilang pagsasanay. Tinalakay ng mga automotive experts mula sa Ford ang mga madalas na pagtatagpo sa kalsada. Itinuro din nila ang mga road signs at nagbigay ng mga safety guidelines na maaari nilang ilapat kapag nagmamaneho.

 

 

Ipinakita din ang mga video ng pinakabagong mga insidente sa kalsada sa panahon ng pagsasanay na tumatalakay sa isang pangunahing ideya ng road safety kung paano pigilan ang sarili sakaling masangkot sa ganoong mga sitwasyon.

 

 

Personal naman na pinuri ni Mayor WES ang mga kalahok, lalo na ang mga mag-aaral, dahil ito ang kanilang unang pagkakataon na sumali sa pagsasanay sa pagmamaneho mula nang ilunsad ito noong nakaraang taon.

 

 

“Alam niyo po, hindi po araw-araw na may ganito tayong programa kaya ang mga student na nakilahok ngayon ay very lucky na maging bahagi ng ating training ngayon. Ito po ay supported ng Ford Philippines at tayo po ay nagpapasalamat sa kanilang tulong sa ating pamahalaan.” aniya. (Richard Mesa)

Other News
  • Bicam report sa extended producer responsibility sa plastic products, niratipikahan

    NIRATIPIKAHAN  ng Kamara ang bicameral conference committee report kaugnay sa magkakaibang probisyon ng extended producer responsibility sa mga produktong gawa sa plastic.       Ang magkakaibang probisyon ay nakapaloob sa House Bill 10696 at Senate Bill 2425 o panukalang “Extended Producer Responsibility Act of 2022,” amending for the purpose Republic Act 9003 o ang […]

  • Japanese Boxer Naoya Inoue kumuha ng 2 Pinoy sparring mate

    KUMUHA  ng dalawang Filipino boxer para maging kaniyang sparring mate si Undefeated Japanese world champion Naoya “Monster” Inoue.     Ito ay bilang paghahanda sa unification fight niya kay Nonito Donaire Jr sa Hunyo 7, 2022 na gaganapin sa Japan.     Ang mga Pinoy boxers na kinuha ni Inoue ay sina Kevin Jake “KJ” […]

  • PDu30, suportado ang planong magkaroon ng local production ng Covid-19 vaccines

    SUPORTADO ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang planong magkaroon ng local production ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) vaccines.   ito’y matapos na iulat ni Trade Secretary Ramon Lopez, sa isang virtual meeting, na may apat na pharmaceutical firms ang nagpahayag ng kanilang intensyon na makipagsapalaran sa local vaccine manufacturing.   Ani Lopez, kasalukuyan nang nakikipag-usap […]