• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bilang kinatawan ng mga taong may dwarfism: JO, ingat na ingat sa mga role na tinatanggap

INIINGATAN ni Jo Berry ang mga role na kanyang natatanggap ngayong itinuturing na niya ang sarili bilang kinatawan ng mga people with dwarfism.

 

 

“Kada role, iniingatan ko and sini-see to it ko na magagampanan ko nang maayos and mapapangalagaan ko. Especially ‘yung mga tao na may dwarfism, kini-claim ko nang ako ang representation ngayon.

 

 

“Isa po ‘yun sa iniingatan ko lagi na ‘yung roles when it comes sa pagtanggap ko ng iba’t ibang klase ng character, hindi magiging masama or degrading for me and for them (people with dwarfism),” sey ni Jo sa “Fast Talk with Boy Abunda.’

 

 

Bilang aktres, sinabi ni Jo na hangga’t maaari ay nagsisilbi siyang magandang halimbawa sa mga manonood.

 

 

“Kailangan ‘yung reputation namin is always pinapangalagaan in a way na makikita nila na–siyempre, hindi naman tayo perfect, pero hangga’t maaari eh sana ‘yung makikita is magandang impluwensiya for us.

 

 

“Since nasa media nga po and malaki ‘yung impluwensya, hangga’t kaya po pangangalagaan at ipapakita na mabuti ‘yung mga ginagawa,” diin pa ni Jo.

 

 

Gumaganap si Jo bilang isang abogada sa “Lilet Matias: Attorney-at-Law” kasama sina Jason Abalos, Nora Aunor at marami pang iba.

 

 

Mapapanood ito sa Marso 4 sa GMA Afternoon Prime.

 

 

***

 

 

ANG hiling ni OPM icon Renz Verano na bumalik ang mga madamdaming awitin ng sa panahon ngayon.

 

 

“Of course, Millennials, that’s the style today. I can’t say na hindi maganda ‘yon, kasi ‘yan ang uso eh. Sana bumalik lang a portion. All I’m asking is a portion ng mabibigat na awitin na mas hugot,” sey ng OPM singer.

 

 

Isa si Renz sa judges ng “Tanghalan ng Kampeon” ng Kapuso variety show na ‘TiktoClock’.

 

 

Sinabi niya ang kanyang hinahanap sa mga contestant.

 

 

“Unang-una, ang kailangan, maganda ang boses. Kailangan ‘yung intonation, ibig sabihin nasa tono. Ngayon, ‘yung kanyang star quality, it’s only a bonus. Kailangan maganda ang boses, maganda ang galaw, ‘yung expression ng kanyang pagkanta, nandu’n lahat.

 

 

“There is phrasing, there is breathing, there is intonation, there is style. Maraming style kasi eh. Sa pagkanta, meron ‘yung gagamitin mo, kunyari umiiyak ka, meron ‘yun. Hindi lang basta-basta ‘yun,” sey pa niya.

 

 

Ayon kay Renz, ang karanasan o experience pa rin ang “best teacher” pagdating sa pagkanta.

 

 

“‘Pag hindi mo naramdaman ang masawi, paano mo ie-express? ‘Pag hindi mo maramdaman ang nasagot ka, tuwang-tuwa ka, paano mo ie-express? You cannot express this unless you’ve experienced it,” sey ni Renz na pinasikat noon ang mga OPM hits na “Remember Me,” “Ibang-Iba Ka Na,” “Mahal Kita,” at “Keep On Loving You.”

 

 

***

 

 

SI Vanessa Williams ang gaganap sa iconic role bilang Miranda Priestly sa London West End stage adaptation ng ‘The Devil Wears Prada.’

 

 

Itatanghal ito on October 24 at the Dominion Theatre in London.

 

 

Sa teaser trailer posted on Instagram, nagpatikim ang former Miss America ng kanyang pagiging editor-in-chief from hell: “Don’t just sit there. Buy tickets. Or something.”

 

 

Ayon pa sa Ugly Betty star: “Bringing Miranda Priestly to life in the West End is an absolute dream come true. Gird your loins, folks.”

 

 

The Devil Wears Prada is a new musical based on the hit 2006 film and bestselling 2003 novel. It features an original score by Olivier and Tony Award winner Elton John, direction and choreography by three-time Tony Award winner Jerry Mitchell, lyrics by singer-songwriter Shaina Taub and book by Kate Wetherhead.

 

 

Si Meryl Streep ang gumanap na Miranda Priestley sa 2006 film version with Anne Hathaway, Emily Blunt and Stanley Tucci.

(RUEL J. MENDOZA) 

Other News
  • CANNIBAL LOVE STORY “BONES AND ALL” GETS R-16 RATING, TO BE SHOWN WITH NO CUTS

    AFTER playing to sold-out capacity crowds during the QCinema Film Festival, the controversial film “Bones and All” — a story of tender love and cannibalism — now showingnationwi with a favorable R-16 rating from the Movie & Television Review and Classification Board (MTRCB). [Watch the featurette “Bones and All: A Look Inside” at https://youtu.be/PUJ9kccG6BA] The MTRCB […]

  • Tindero ng pares hinoldap, binaril

    Kritikal ang lagay ng isang tindero ng pares matapos barilin ng holdaper sa Baseco Compound, Port Area, Manila, noong Martes ng hatinggabi.   Pauwi na ang biktimang kinilalang si Samson Bautista, 41, kasama ang kanyang kaibigang si Pio Ramos sakay ng kanilang tricycle nang harangin ng armadong lalaki sa Barangay 649. Sa CCTV footage mula […]

  • Panukala na isama ang personal financial education sa mga tech-voc na paaralan, inaprubahan ng Komite

    INAPRUBAHAN ng House Committee on Higher and Technical Education na pinamumunuan ni Baguio City Rep. Mark Go ang House Bill 7333 o “Personal Financial Education for Tech-Voc Schools and Centers.”     Naglalayong isama nito ang kaalaman sa pananalapi sa teknikal-bokasyonal na kurikula, na ganap na nakatuon sa pansariling pananalapi.     Ayon kay Bukidnon […]