Obiena ‘di kinumpleto ang Golden Challenge
- Published on September 9, 2020
- by @peoplesbalita
HINDI tinapos ni Ernest John ‘EJ’ Obiena ang Golden Roof Challenge matapos itigil ng mga namamahala ang sanhi nang masamang panahon.
Pumasa na ang 24-anyos na University of Santo Tomas Engineering student at isa sa mga pambato ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) sa 5:30 metro nang magsimulang umambon at tuluyang lumakas na naging dahilan upang tuluyang ipagpaliban ang kompetisyon.
“The competition director had decided not to finish the men’s pole vault competition for the safety of the athletes due to heavy rainfall, the “Golden Roof Challenge,” bigkas nitong Linggo ng 6-foot-2, Tondo, Manila native.
Nakamata na sana ang unang Tokyo Olympic qualifier ng bansa sa 5.40 metro sa kanyang ikaapat na torneo ngayong taon, pero tututok na lang sa susunod na sasaling torneo. Patungo na siya at si coach Vitaly Petrov sa Ostrava, Italy pata ipagpatuloy ang training camp.
Isa siya sa inaahan ng bansa sa 32nd Summer Olympic Games 2021 sa Tokyo, Japan. (REC)
-
Ensayo ng PBA tuloy na sa pagbabalik sa GCQ level sa NCR
Wala ng makakapigil pa sa mga koponan sa PBA na magpatuloy ng kanilang ensayo sa susunod na linggo. Kasunod ito sa pagbabalik ng Metro Manila sa General Community Quarantine (GCQ). Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, na sa darating na Agosto 25 ay posibleng maisagawa na ang mga ensayo. Mahigpit din nilang […]
-
Ads January 13, 2020
-
Ads May 12, 2021