PBA bubble nilindol
- Published on October 9, 2020
- by @peoplesbalita
WALANG nai-report na mga nasaktan at kasiraan sa lindol Sabado ng gabi sa Philippine Basketball Association (PBA) bubble sa Clark Freeport Economic Zone sa Angeles City, Pampanga.
Ipinahayag kahapon ni ni PBA Commissioner Wilfrido Marcial na nakumpirma lang niya ang lindol sa mga tumawag na nagtanong sa kanya at may ilang players din sa tinutuluyan ng pro league na Quest Hotel ang ‘di namalayan ang sakuna dahil sa maagang pagtulog dulot ng pagod sa mga ensayo.
“Earthquake in the bubble. Bubbly earthquake,” tweet ni Rain or Shine wingman Kris Rosales na nakadama ng pagkabahala at gising pang maganap ang insidente.
Iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHILVOLCS) na 4.7 magnitude at ang epicenter nito sa Camiling at Tarlac City. Nag-bubble ang propesyonal para sa restart ng 45 th season nitong Philippine Cup 2020 elimination round sa darating na Linggo, Oktubre 11. (REC)
-
Ads January 27, 2021
-
4 ginto sinikwat ni Ramos
APAT na gold, isang silver at isang bronze medal ang inangkin ni Rose Jean Ramos sa Asian Youth and Junior Weightlifting Championships sa Tashkent, Uzbekistan. Dinomina ng 17-anyos na si Ramos ang labanan sa snatch (70 kgs), clean and jerk (83 kgs) at total lift (153 kgs) sa women’s 45-kilogram youth division (13-17 […]
-
FAN-LESS GAMES, LEBRON BOYKOT SA NBA
BINABALAK ng NBA na magkaroon ng ilang laro na hindi magpapapasok ng mga fan sa game venue upang maiwasan ang pagkahawa sa nakamamatay na coronavirus. Hindi sang-ayon dito si NBA Lakers supertstar LeBron James na maglalaro sila ng walang fans na nanonood dahil sa banta ng coronavirus o COVID19. “We play games without […]