• April 6, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

KASO NG COVID-19 SA KYUSI NASA 13K NA

MULING nagkaroon pa ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa Quezon City.

 

Sa datos ng Quezon City Health Department, pumalo  na sa 13,604 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod.

 

Ang nasabing bilang ng kaso ay na-validate na ng QCESU o ang QC Epidemiology and Surveillance Unit  at district health offices nito.

 

Sa naturang bilang ay nasa  2,763 na lamang  ang masasabing nasa aktibong kaso ng pandemiya.

 

10,392 naman ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 449 ang nasawi.

 

Batay pa sa datos, nasa 14,347 ang suspected COVID-19 cases na kabilang na isinagawang contact tracing. Patuloy parin na nag papaalala ang QC government na palaging sumunod sa mga health protocols tulad ng pag susuot ng face mask at face shield at mag gamit ng alcohol at apg huhugas ng kamay ng sabon at tubig. (RONALDO QUINIO)

Other News
  • Jeepney drivers nais ng malinaw na plano patungkol sa subsidiya ng DOTR sa piling PUV routes

    NAIS  ng ilang jeepney drivers na magkaroon ng malinaw na plano ang Department of Transportation kung paano makakarating sa mga jeepney driver ang nais nilang ibahagi na subsidiya.     Ang ilan sa mga jeepney drivers raw ay hindi nakakatanggap ng sinasabing subsidiya, dahil anila, ang mga operators ang tumatanggap nito at hindi na nakakababa […]

  • PBBM, nais na ibalik ang old school calendar ngayong taon

    NAIS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ibalik ang old school calendar ‘as early as next school year’ (2024-2025) para maiwasan ang kanselasyon ng klase dahil sa matinding init ng panahon na dala ng El Niño phenomenon.     Sa isang panayam sa sidelines ng Government-Owned or -Controlled Corporations (GOCCs) Day sa Pasay City, […]

  • Ads October 5, 2021