• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 ‘tulak’ isinelda sa P68K droga sa Valenzuela

BAGSAK sa kulungan ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos kumagat sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, Biyernes ng madaling araw.

 

 

Sa report ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr. kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nagsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PEMS Restie Mables sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Cpt. Ronald Sanchez.

 

 

Isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makipagtransaksyon sa kanilang target na si alyas “Joel” ng P8,600 halaga ng droga.

 

 

Nang tanggapin ni “Joel” ang isang P500 bill marked money na may kasamag 8-pirasong P1,000 boodle money mula sa pulis poseur-buyer kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba, kasama ng kanyang kasabwat na si alyas “Archie” dakong alas-2:40 ng madaling araw sa M.H Del Pilar St., Brgy., Malanday.

 

 

Ani PEMS Mables, nakumpiska sa mga suspek ang aabot 10 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P68,000 at buy bust money.

 

 

Kasong paglabag sa sections 5 at 11 under Article II of R.A 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) ang isasampa ng pulisya kontra sa mga suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office. (Richard  Mesa)

Other News
  • GINA, interesadong mag-audition sa hinahanap na Filipino lola para sa isang ‘Disney’ movie

    NAG–ANNOUNCE ang Walt Disney Company na naghahanap sila ng isang Filipino lola para maging part ng cast ng Disney movie, kaya narito ngayong sa bansa ang casting team.    Kaya naman ang award-winning Filipino actress, si Ms. Gina Pareno, ay nag-post sa Twitter account niya na interesado siyang mag-audition for the said role.   Tweet […]

  • Sec. Cusi, nag-sorry dahil sa sunud-sunod na brownouts sa isla ng Luzon ngayong linggo

    HUMINGI ng paumanhin si Energy Secretary Alfonso Cusi sa sunud-sunod na brownouts sa isla ng Luzon ngayong linggo.   Sa virtual press briefing ni Presidential Spokesperson Harry Roque, tiniyak ni Cusi na kagyat namang naibalik sa normal ang suplay ng kuryente.   Sa ulat, tumama ang rotational brownouts sa ilang bahagi ng Luzon simula nitong […]

  • Bagyong Kristine, umabot na sa kategoryang Severe Tropical Storm

    LUMAKAS pa ang bagyong Kristine at nasa kategoryang Severe Tropical Storm na ito.   Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 175 km East of Echague, Isabela.   Ito ay may lakas ng hangin na umaabot sa 95 km/h malapit sa gitna at pagbugsong umaabot sa 115 km/h.   Kumikilos si Kristine pa Northwestward […]