• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Quiboloy kasuhan ng sexual abuse, trafficking – DOJ

IPINAG-UTOS na ng Department of Justice (DOJ) ang pagsasampa ng mga kasong sexual abuse of a minor at qualified trafficking laban kay Kingdom of Jesus Christ (KJC) leader Pastor Apollo Quiboloy.

 

 

Mismong si Justice Secretary Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla ang nagsagawa ng anunsiyo nito kahapon, sa isang pulong balitaan.

 

 

Ang kautusan ay ginawa ng DOJ matapos na paboran ang petition for review na nakabinbin sa kanilang tanggapan, mahigit apat na taon na ngayon.

 

 

Kaagad ring namang inatasan ng DOJ ang Office of the City Prosecutor of Davao City na maghain ng kasong paglabag sa Republic Act 7610 o the Anti-Child Abuse Law si Quiboloy.

 

 

Partikular na tinukoy dito ang  probisyon hinggil sa sekswal na pang-aabuso laban sa isang menor-de-edad.

 

 

Samantala, ang kaso namang qualified human trafficking ay ihahain sa hukuman sa Pasig City.

 

 

Ayon kay Remulla, pinag-aralan nilang mabuti ang kaso at lumitaw na mayroon talagang dapat na panagutan ang pastor sa batas.

 

 

Sinabi pa ng DOJ chief na lumagda na rin siya ng precautionary hold departure order (HDO) laban kay Quiboloy.

Other News
  • Volume ng mga sasakyan sa NCR, sobra na- MMDA

    SOBRA na ang volume o dami ng mga sasakyan sa National Capital Region (NCR).     Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairperson Romando Artes na para sa taong 2021 lamang ay mayroon ng 300,000 karagdagang sasakyan sa bansa o hanggang 70% na bumabagtas sa Kalakhang Maynila.     “Sobra na po ang volume […]

  • Pagkuha ng student driver’s license, huwag negosyo ipairal

    KUNG totoong masusunod ang plano ng Land Transportation Office (LTO), mula sa buwan ng Abril, 2020, lahat ng kukuha ng driver’s license ay daraan na sa lahat ng mga accredited driving school ng agency.   Sa plano rin ng LTO kailangan muna ang 15-hours na theoretical driving lesson bago pagayan makapag-apply ng driver’s license ang […]

  • Gobyerno, nagbago na ng approach para i-maximize ang suplay ng tubig sa Mindanao sa gitna ng La Niña-PBBM

    NAGBAGO na ng atake at hakbang ang gobyerno para i-maximize ang suplay ng tubig sa gitna ng La Niña phenomenon na inaasahan na tatama sa maraming bahagi ng Mindanao sa huling bahagi ng taong kasalukuyan.     “Nagbago na talaga ang approach sa flood control, sa irrigation at lahat. Kaya’t ‘yun ang sinusundan namin ngayon,” […]