• November 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagkuha ng student driver’s license, huwag negosyo ipairal

KUNG totoong masusunod ang plano ng Land Transportation Office (LTO), mula sa buwan ng Abril, 2020, lahat ng kukuha ng driver’s license ay daraan na sa lahat ng mga accredited driving school ng agency.

 

Sa plano rin ng LTO kailangan muna ang 15-hours na theoretical driving lesson bago pagayan makapag-apply ng driver’s license ang isang applicant, pagkatapos makakuha ng student’s permit additional na 8-hours practical driving sa supervision ng LTO personnel.

 

Sa bagong program ng LTO – ang vision nito ay mabigyan lamang ng driver’s license ‘yung mga karapat-dapat at sagot na rin ito upang maalis na, o kung hindi man ay mabawasan man lang ang mga road accidents.

 

Sa report na nakuha natin at ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP), bukod 15-hour theoretical driving lesson at additional 8-hour practical driving, mga nasa libo rin ang halaga ng enrollment na ibabayad sa mga accredited driving schools ng LTO.

 

Ang tanong ngayon sa rami kada araw ang kumukuha ng driver’s license sa LTO sa buong bansa, maging ang mga kababayan nating mga OFW na rin, sapat kaya ang mga accredited driving school?

 

Ang sinasabi ko, bilang pinuno ng LCSP, matagal nang isinulong ng grupo ang mas comprehensive, bukod pa ay libre, isama na sa primary at secondary school ang pag-aaral ng road safety pati na ang Republic Act 4136 ang batas at mga rules and regulations sa traffic at land transportation ng bansa.

 

Nariyan din ang TESDA na siyang authorized agency ng gobyerno at recognized din worldwide na magturo ng mga tamang batas sa road safety at ng mga rules and regulations sa traffic.

 

Iginigiit ko lang na tingnan natin ang practice sa mga world class countries na isinasama sa mga school curriculum sa primary at secondary education, upang maipamulat agad sa murang edad ng mga bata, ang importance ng road safety upang maiwasan ang mga aksidente at para laging isaisip ang safety sa lahat ng oras lalo na sa kalsada.
Sa experienced at records tiyak na tiyak ang advantage ng TESDA sa kasanayan sa theoretical man o practical driving kaysa sa mga sinasabing mga accredited driving school.

 

Eh ang alam namin itong mga instructors ng mga accredited driving school ay pasado at may mga certification issued ng TESDA bilang patunay ng kasanayan ng mga driving instructors.

 

Nagtatanong ang ating mga kababayan ano ang mas dapat ang mga expensive accreditation ng mga driving school ng LTO o ang authorized government’s agency (TESDA)? (LASACMAR)

Other News
  • PRRD, pinasinayaan ang mga gusali ng paaralan na may 140 silid-aralan sa Bulacan

    LUNGSOD NG MALOLOS– Pinasinayaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pitong gusaling pampaaralan na may 140 silid-aralan sa dalawang bayan sa Bulacan ngayong araw.     Personal na dinaluhan ng Pangulo ang inagurasyon ng dalawang yunit ng apat na palapag na may 24 silid-aralan at isang yunit ng apat na palapag na may 12 silid-aralan […]

  • Durian business deal na naisara sa pagtungo ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr sa China, umaarangkada na. Tone- toneladang durian, sinimulan ng i-export

    NAGSIMULA nang i-export ng Pilipinas ang tone – toneladang durian sa China na pawang mula sa Mindanao.   Tinatayang 28-toneladang durian cargo o nasa 28 libong kilo ng durian ang dinala na sa China at inilipad via Davao International Airport matapos na pumasa sa General Administration Customs of China.   Kamakalawa, Sabado de Gloria ay […]

  • Walang trabaho sa Pilipinas bumaba sa 1.18-M pero ‘job quality’ hindi gumanda

    BAHAGYANG bumaba ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho sa pahgtatapos ng Nobyembre 2023, ayon sa gobyerno — pero nananatili ang parehong underemployment.     Sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) ngayong Martes, naitala ang unemployment rate noong naturang buwan sa 3.6%.     “[This is] lower than the unemployment rates in November […]