• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Lalaking armado ng shotgun, dinampot sa Malabon

BAGSAK sa kalaboso ang isang lalaki nang posasan ng pulisya makaraang maaktuhan may bitbit na shotgun na kargado ng bala habang pagala-gala sa Malabon City.

 

 

Sa imbestigasyon ng Malabon police, nakatanggap ng sumbong mula sa mga residente sa Pilapil St., Brgy , Catmon ang mga tauhan ng Police Sub-Station-4 hinggil sa isang lalaki na mistulang nasa “war zone” kung umasta dahil armado ng baril.

 

 

Kaagad silang nagresponde sa nasabing lugar kung saan natiyempuhan nina P/SSg. Bernardino Bernal at P/Cpl. Rochester Bocyag ang suspek na nakilala sa alyas ‘Rodel’ na palakad-lakad habang may bitbit na na baril.

 

 

Bago pa makaporma, kaagad dinamba ng mga pulis suspek at nakumpiska sa kanya ang isang 12 gauge shotgun na may tatak na “Squibman” at kargado ng dalawang bala.

 

 

Nabigo naman si ‘Rodel’ na magpakita ng dokumento na magpapatunay na legal ang pagmamay-ari at pagdadala niya ng mataas na uri ng armas kaya isinelda kaagad siya ng mga pulis. (Richard Mesa)

Other News
  • Ads July 22, 2021

  • Mas maraming LTO enforcers ikakalat vs kolorum na PUVs

    MAGKAKALAT  ang mas maraming traffic enforcers ang Land Transportation Office (LTO) sa Metro Manila, bukod pa sa may  50,000 deputized traffic personnel sa buong bansa sa darating na Pebrero 1 kung saan maraming mga pampasaherong sasakyan na ang ituturing na kolorum.     Ito ang inihayag ni LTO Chief Vigor Mendoza na batay rin umano […]

  • Frankie, nag-apologize matapos batikusin ni Markki

    NAG-APOLOGIZE si Frankie Pangilinan matapos na batikusin ng actor-singer na si Markki Stroem ang kanyang shared post na naglalaman ng pangalan ng mga suspects sa kontrobersyal na kaso ng pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.     Dahil sa nai-tweet ni Frankie kaya hindi napigilang mag-react si Markki na kung saan kasama sa […]