• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Floating solar project ng Australian firm, makalilikha ng trabaho at mas malinis na industriya-PBBM

MAKALILIKHA ng trabaho para sa mga Filipino ang floating solar project ng Australian firm sa Pilipinas.

 

 

Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na nakapulong nya ang mga opisyal ng Macquarie Group ukol sa bagay na ito.

 

 

“With Macquarie Group’s 1.3 GW floating solar project in Laguna Lake, we’re creating sustainable jobs and cleaner industries,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

Aniya pa, ang inayos na business setting sa bansa ay magreresulta ng mas mabuti at mahusay na renewable energy system.

 

 

“Our green lanes and improved business environment pave the way for more initiatives like this to thrive and contribute to our nation’s renewable energy goals,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

Sa kabilang dako, sinabi naman ni Macquamarie group managing director at CEO Shemara Wikramanayake na ‘excited’ na siya na talakayin ang investment bank sa Pilipinas.

 

 

“The whole digitization process, we’re excited about. Also, the energy transition we’re excited about … we certainly invest in digitization and we invest in energy transition and in mining and building bigger advisory business,” anito.

 

 

Winika ni Wikramanayake na interesado sila na mamuhunan sa Pilipinas dahil sa demographic profile nito para sa pagkakaroon ng “a young and growing population.”

 

 

“What we’re keen to do is to partner with Southeast Asia particularly with places like the Philippines, which are proving to be very good to create that environment for the pension savers money here. To bring capital to health, investing in infrastructure, etcetera,” lahad nito.

 

 

Samantala, pinuri naman ni Pangulong Marcos ang nasabing kompanya sa interest nito na mamuhunan sa Pilipinas, binigyang diin na malaking tulong ang mga ito para sa pag-unlad ng Pilipinas lalo na sa aspeto ng digitalization process hindi lamang para sa mga investors, kundi maging sa mga lokal.

 

 

“We somehow have fallen behind in that regard, and we’re trying to catch-up. Digitization is a very important part of ease of doing business not just for investors, but for locals in their dealings with the government,” ang pahayag ng Pangulo. (Daris Jose)

Other News
  • Dahil sa kinanselang iskedyul ng pagdinig sa war on drugs: Digong Duterte, pupunta pa rin ng Kongreso para harapin ang mga miyembro ng Quad comm

    TINIYAK ni dating presidential legal counsel Salvador Panelo na tuloy ang pagpunta nila ni dating Pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte, araw ng Miyerkules, Nobyembre 13 sa Batasang Pambansa.   Kokomprontahin kasi ni dating Pangulong Duterte ang mga miyembro ng Quad Committee dahil sa ginawang pagkansela ng mga ito sa 10am scheduled hearing ukol sa war […]

  • Dating Mayor ng Antique, itinalaga bilang bagong pinuno ng SBMA

    ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si dating Antique Mayor Jonathan Dioso Tan bilang  Administrator and Chairman ng Subic Bay Metropolitan Authority na may termino na anim na taon.     Pinalitan ni Tan si Rolen C. Paulino.     Ang appointment letter ni Tan na pirmado ng Pangulo ay may petsang Abril 28, 2023. […]

  • TESDA, hinikayat ng DSWD na iprayoridad ang 4Ps senior HS graduates

    HINIKAYAT ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na iprayoridad ang 4Ps senior high graduates para sa skills training opportunities para makatulong na makapagtayo ng mas maliwanag na kinabukasan.     Sa katunayan, nagpulong ang mga opisyal ng DSWD sa pangunguna ni Gatchalian […]