• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Balik-collegiate league pinaplantsa na ng JAO

BABALANGKAS Ang technical working group (TWG) ng Joint Administrative Order (JAO) panel ng training guidelines para sa pagbabalik ng mga collegiate league sa pangunguna ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) at University Athletic Association of the Philippines (UAAP).

 

 

Ito ang ipinahayag nitong Lunes ni Commission on Higher Education (CHED) Commissioner Prospero de Vera III, sa virtual press conference na dinaluhan din nina Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William “Butch” Ramirez at Games and Amusement Board (GAB) Chairman Abraham Kahlil Mitra.

 

 

Sumama rin sa kaganapan sina PSC-Philippine Sports Institute (PS) National Training Director Marc Edward Velasco, Philippine Basketball Association (PBA) Deputy Commissioner Eric Castro, Pilipinas 3×3 Commissioner Frederick Altamirano at Philippine Football League (PFL) commissioner Mikhail Torre.

 

 

Idinagdag ni De Vera na manggagaling ang TWG sa CHED, PSC, DOH at mga National Sports Associations (NSAs) na magtatakda ng safety guidelines at health protocols sa mga liga sa harap ng mga kontrobersiyang nilikha ng Sorosogon bubble training ng University of Santo Tomas at team practice ng National University sa Calamba.

 

 

May dalawa-tatlong linggong tinataya mapipinalisa ang guidelines para makaiwas sa Covid-19 ang mga student-athlete.  (REC)

Other News
  • Negosyante, 3 pa, timbog sa P 180K marijuana

    ARESTADO ang apat kabilang ang isang negosyante matapos makuhanan ng nasa P180K halaga ng marijuana nang inguso sa mga pulis ng concerned citizen ang kanilang iligal na gawain sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.   Kinilala ng bagong hepe ng Caloocan City Police na si P/Col. Dario Menor ang mga naarestong suspek na si Paul […]

  • Dagdag na bagong fire station itatayo sa

    MALAPIT nang magkaroon ng karagdagang istasyon ng bumbero ang Navotas City kasunod ng paglagda ng 30-taong usufruct sa pagitan ng pamahalaang lungsod at ng Bureau of Fire Protection (BFP).     Sa ilalim ng kasunduan, magagamit ng BFP ang 444-square meter lot sa Brgy. Navotas East para sa iminungkahing Navotas Central Fire Station at iba […]

  • Maraming Filipino takot pa rin na madapuan ng COVID-19 – SWS

    Maraming mga Filipino pa rin ang nangangamba at natatakot na madapuan ng COVID-19.     Sa isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS) na mayroong 91 percent sa 1,200 adults ang nagsabing takot silang madapuan ng virus.     Isinagawa ang survey mula Setyembre 12 hanggang 16 kung saan 76 percent dito ay nagsabing nababahal […]