• June 5, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BALIK NG PBA MAY HATID NA BUTI

KUMPIYANSA si House Deputy Speaker at NorthPort owner Michael ‘Mikee’ Romero na ang pagbibigay ng pahintulot para sa pagpapatuloy ng Philippine Basketball Association (PBA) sa Oktubre 11, ang mahusay na libangan na maibibigay ng gobyerno sa publiko ngayong may Covid-19 pa rin.

 

Sa kasalukuyan halos lahat sa panig ng mundo nakikipaglaban aniya sa pandemya mula sa aspetong kaisipan at pinansiyal. Kaya hinihikayat ng kongresista ang Inter-Agency Task Force (IATF) na payagan ang PBA para sa pagpapatuloy ng ika-45 edisyon via NBA-style bubble concept sa Clark, Angeles City, Pampanga.

 

“The resumption of the PBA will help the Pilipinos cope with depression and Covid. I am certain it will provide relief,” sambit ng mambabatas. “We need to relax a bit after months of anguish,” pahayag kamakalawa ng opisyal ng lehislatura.

 

Alam man ang kinalalagyang na mabigat na gawain ng pamahalaan upang mapahupa ang pandemic, tiwala rin si Rep. Romero, lumaro para national polo team sa 2019 SEA Games, sa mga namumuno sa professional hoops league na sinusuportahan din ng may ari ng koponan. (REC)

Other News
  • Iloilo City inilagay sa MECQ simula Sept. 25 hanggang Oct. 9 – IATF

    INANUNSIYO ng Malacañang ang paglagay sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang lungsod ng Iloilo.   Sinabi ni Presidential spokesper- son Harry Roque na magsisimula sa Setyembre 25 o nitong araw ng Biyernes hanggang Oktubre 9 ang MECQ.   Nauna nang ikinokonsidera ni Iloilo City Mayor Jerry Trenas ang pagsasailalim sa modified general community quarantine […]

  • Facebook live shopping, tatanggalin na simula Oktubre

    TATANGGALIN  na ng Meta ang kanilang “live shopping feature” sa Facebook umpisa sa Oktubre 1.     “Beginning on October 1, 2022, you will no longer be able to host any new or scheduled Live Shopping events on Facebook,” ayon sa Meta.     Maaari pa rin naman na makapag-live broadcast ang FB users, pero […]

  • Ads October 13, 2022