• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dinagsa ng mga celebrity ang wake niya: JACLYN, binigyan ng tribute ng pamunuan ng ‘Cannes Film Festival’

NAGBIGAY ng tribute o pagkilala ang pamunuan ng Cannes Film Festival sa biglaang pagpanaw ng premyadong aktres na si Jaclyn Jose.

 

 

Siya ang kauna-unahang Filipino at Southeast Asian na nagwagi ng Best Actress award sa Cannes Film Festival noong 2016 dahil sa mahusay niyang pagganap sa ‘Ma’ Rosa’, na mula sa direksyon ni Brillante Mendoza.

 

 

Sa official Facebook page at Instagram account ng Cannes last March 6, ipinost ang kanilang pagbibigyang-pugay kay Jaclyn sa naging kontribusyon nito sa movie industry.

 

 

“On learning of the death of Filipina actress Jaclyn Jose, the Festival de Cannes remembers her face beaming with emotion when she received the Award for Best Actress in 2016 in Brillante Mendoza’s Ma’Rosa.

 

 

“Like many of her other roles, she illuminated this beautiful portrait of a woman, embodying it with grace and humanity,” ayon sa post.

 

Kasama nito ang larawan ni Jaclyn na hawak ang kanyang Best Actress trophy.

 

Sa ‘Ma’ Rosa’, ginampanan niya ang ina na may sari-sari store na sumusuporta sa kanilang pamilya, nagbebenta rin siya ng illegal drugs.

 

Nang mahuli siya ng mga pulis, gumawa ang anak niya ng paraan para mailabas siya sa kulungan.

 

Last March 2 ay pumanaw nga si Jaclyn na si Mary Jane Guck sa totoong buhay, sa edad na 60.

 

Ang daughter niya na naka-base na sa Siargao na si Andi Eigenmann ang nagkumpirma na heart attack ang sanhi ng kamatayan ng kanyang ina.

 

Ang management ng pumanaw na aktres, ang PPL Entertainment, na unang nag-announce ng balita. Kasama kanyang pamilya at Philippine National Police, lumabas din na walang foul play sa nangyari.

 

Ipinagluluksa nga ng buong entertainment industry ang pagpanaw ng premyadong aktres at naglalabasan ang kani-kanilang tribute sa social media accounts.

 

Huling napanood si Jaclyn sa MMFF entry na ‘Broken Hearts Trip’ at ‘Pieta’ na parehong pinalabas noong December 2023.

 

Ilang sa notable performances ay sa movie na “The Flor Contemplacion Story” at “Patay Na Si Hesus.”

 

Ang FPJ’s Batang Quiapo naman huling serye na nagawa niya na kung saan gumanap siya bilang Chief Dolores Espinas.

 

Sa burol niya sa Arlington Chapel na dinagsa agad ng mga celebrities sa unang araw, nakiramay sina Christopher de Leon, Sandy Andolong, Lorna Tolentino, Tirso Cruz III, Alden Richards, Amy Austria, Ivana Alawi, Sylvia Sanchez, Isabel Rivas, director Adolfo Alix Jr., Allen Dizon, Jake Ejercito at Claudine Barretto.

 

Present ang family members na sina Gabby Eigenmann, Sid Lucero, Ryan Eigenmann, Max Eigenmann, Michael de Mesa, Eddie Mesa at Rosemarie Gil.

 

Nagkaroon din ng ‘Batang Quiapo’ at ABS-CBN night na pinangunahan ni Coco Martin at Vice Ganda last March 5 at ngayon gabi ay PPL night at sa Biyernes naman ang GMA night.

 

Hanggang sa Sabado ang wake ng premyadong aktres.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Malakanyang, naniniwala na hindi na sisirit pa ang kaso ng Covid -19

    NANINIWALA ang Malakanyang na posibleng hindi na sumirit pa ang kaso ng COVID-19 habang ang bansa ay kumikilos para pagaanin restrictions sa public transportation.   Ang katwiran ni Presidential spokesperson Harry Roque, batid naman na ng mga Filipino kung ano ang gagawin sa panahon ng pandemiya.   Ang pahayag na ito ni Sec. Roque ay […]

  • Naninibago sa pagbabalik sa Instagram at Tiktok: TOM sa teatro muna sasalang sa pamamagitan ng ‘Ibarra: The Musical’

    NAKATUTUWANG mapanood muli si Tom Rodriguez sa telebisyon matapos ang ‘pamamahinga’ nang halos dalawang taon.     Nagpainterbyu si Tom kay Nelson Canlas sa ‘Chika Minute’ at nagbahagi ng naging buhay niya sa Arizona sa USA.     “Two weeks lang dapat ako nandun,” lahad ni Tom, “nawili rin ako. Long story short, I really […]

  • P335 million ang nawawala sa gov’t dahil sa ‘duplicates’ at ‘inconsistencies’ sa database ng 4Ps

    IBINUNYAG ng Commission on Audit (COA) na nasa P335 million ang halaga ng nawawala sa gobyerno dahil sa duplicates at inconsistencies sa database ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).     Sa Performance Audit Report ng COA sa 4Ps program, inirekomenda nitong muli ang pagsasagawa ng cleansing […]