Malakanyang, naniniwala na hindi na sisirit pa ang kaso ng Covid -19
- Published on October 30, 2020
- by @peoplesbalita
NANINIWALA ang Malakanyang na posibleng hindi na sumirit pa ang kaso ng COVID-19 habang ang bansa ay kumikilos para pagaanin restrictions sa public transportation.
Ang katwiran ni Presidential spokesperson Harry Roque, batid naman na ng mga Filipino kung ano ang gagawin sa panahon ng pandemiya.
Ang pahayag na ito ni Sec. Roque ay tugon sa naging babala ng University of the Philippines (UP) OCTA Research Group hinggil sa pagpapagaan ng restrictions sa public transportation.
Sinabi kasi ng UP OCTA Research group na magbubunsod ito ng pagtaas ng bagong kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) sa susunod na dalawang linggo.
Ani Sec. Roque, hindi sinasang- ayunan ng Malakanyang ang UP OCTA Research Group, dahil alam na ng mga mamamayang Filipino na kailangan nilang sundin ang payo ni Pangulong Duterte na magsuot ng face mask , maghugas ng kamay at sanayin ang physical distancing upang sila’y makapunta sa kanilang trabaho.
“We disagree with the research group. Tingin ko po gagawin ng Pilipino ang lahat ng dapat gawin dahil importante sa kanila na makapaghanapbuhay na muli,” ayon kay Sec. Roque.
Aniya, ang mga respetadong doktor at mga dating Kalihim ng Department of Health (DoH) gaya nina Esperanza Cabral at Manuel Dayrit ay nagpahayag na ang pagbabawas ng physical distancing measures sa loob ng public transportation ay posibleng hindi maging dahilan ng pagtaas ng bilang ng COVID-19 cases.
“Itong mga doctor pong ito ay respetado. Hindi ko po alam kung sino iyong doctor ng OCTA Group. Ang sabi po nila, hindi naman dapat tumaas maski bawasan ang spacing sa public transportation basta susunod po sa seven commandments,” ayon kay Sec. Roque.
“Ito naman po ay base rin sa siyensiya na diniscuss po sa IATF ni Dr. Dayrit, and I’m sorry, I believe them po,” anito.
Ang seven commandments sa public transportation ayon kay Sec. Roque ay
1. Pagsusuot ng face masks
2. Pagsusuot nh face shields
3. Bawal mag-usap at kumain
4. May sapat na ventilation
5. Madalas at tamang disinfection
6. Bawal ang asymptomatic passengers
7. Pinapayagan ang pasahero ng one seat apart
Samantala, ang pamahalaan ay kumikilos para sa muling pagbubukas ng ekonomiya bilang bahagi ng third phase ng National Action Plan on COVID-19.
At sa pagpayag ng mas maraming pasahero o mananakay para makapasok sa kanilang trabaho ay pinayagan ng Inter- agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases ang exten- sion ng pilot study sa motorcycle taxis. (Daris Jose)
-
Housing turnover ceremony, pinangunahan ni PBBM
NANGAKO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tutugunan nito ang ‘housing gaps’ sa Pilipinas. Si Pangulong Marcos ay nasa Naic, Cavite kung saan pinangunahan ang ‘awarding of certificates’ ng house and lot sa mga benepisaryo ng housing project ng National Housing Authority (NHA). Tinatayang nasa 30,000 housing units na ang naipamahagi […]
-
Dasal ni ONYOK na ‘wag sanang mapako ang mga pinangakong incentives kay HIDILYN
KABILANG ang 1996 Atlanta Olympic silver medalist na si Onyok Velasco na natuwa sa pagkapanalo ni Hidilyn Diaz ng kauna-unahang Olympic gold medal para sa Pilipinas. Dasal ni Onyok na huwag sanang mapako ang mga pinangako na incentives kay Diaz tulad sa nangyari sa kanya noong 1996. “Yung kay Hidilyn, sana […]
-
PBA nakaabang sa bagong quarantine restrictions
Panibagong paghihintay na naman ang gagawin ng PBA upang makapag-ensayo sa loob ng NCR plus bubble at ang planong masimulan ang Season 46 Philippine Cup sa susunod na buwan. Hihintayin pa ng PBA ang bagong Joint Administrative Order mula sa GAB, DOH at PSC para sa guidelines ng training resumption sa NCR plus […]