Puregold CinePanalo Film Festival, nakipag-partner sa MOWELFUND sa pagsuporta sa mga pelikulang Kwentong Panalo
- Published on March 9, 2024
- by @peoplesbalita
MASAYANG inanunsyo ng Puregold CinePanalo Film Festival ang kanilang partnership sa Movie Workers Welfare Foundation, Inc. (MOWELFUND).
Layunin ng kolaborasyong ito na ibida ang industriya ng pelikula sa Pilipinas, partikular na ang mga bagong filmmaker, at ang mga kwentong itinatampok ang buhay at kultura sa Pilipinas.
Itinatag noong 1974, ang MOWELFUND ay isang non-stock at non-profit na organisasyon na nakapokus sa sosyal na kapakanan, edukasyon, at pag-unlad ng industriya ng pelikula, at misyon nitong suportahan ang mga nagsusumikap na propesyonal sa mundo ng pelikulang Pilipino.
Ibinahagi ni Boots Anson Roa-Rodrigo, Chairman ng MOWELFUND, ang kaniyang pasasalamat.
“Thank you, Puregold, for CinePanalo. [Through this initiative], Puregold offers assistance to filmmakers [in featuring] films that delve into wholesome family themes that define everyday Filipino slice of life.”
“Win-win” ang tambalang ito, ayon sa premyadong personalidad sa pelikula at telebisyon.
“Panalo ang Puregold for instilling family values through the potent medium of film. Panalo ang MOWELFUND Film Institute for offering logistics to young and enterprising filmmakers. Panalo ang aspiring film students and enthusiasts [because] CinePanalo helps them bring to life their dream projects through the magic of film.”
Kamakailang inanunsyo ng Puregold CinePanalo Film Festival ang pinal na listahan ng makatatanggap ng prestihiyosong film grant nito–anim na direktor para sa full-length film, at 25 na estudyanteng direktor para sa short film–na masinsinang pinili sa 200 na lahok mula sa iba-ibang sulok ng Pilipinas. Ipalalabas sa engrandeng debut ang mga pelikula sa Gateway Cineplex 18, Araneta City, mula Marso 15 hanggang 17.
Bakas sa mga napiling pelikula para sa festival ang temang “Mga Kwentong Panalo ng Buhay,” sa mga naratibo ng pagsusumikap, pakikisama, at ang matibay na diwa ng pagiging Pilipino.
Nagpasalamat din ang MOWELFUND sa suporta ng Puregold sa kanilang ika-50 anibersaryo, kung saan magdaraos ang organisasyon ng medical and dental misyon. Nagbigay ang Puregold ng mga grocery gift bags para sa mga miyembro ng komunidad ng pelikula.
Ngayong papalapit na ang Puregold CinePanalo Film Festival, ayon kay Puregold senior marketing manager Ivy Hayagan-Piedad, “With heartfelt appreciation, we recognize MOWELFUND and all our partners for their integral role in not just showcasing these inspiring Filipino narratives but also in fortifying our collective contribution to the flourishing Philippine movie industry.”
Gusto mo ba ng LIBRENG entertainment? Mag-subscribe na sa Puregold Channel sa YouTube. Para sa iba pang update, i-like ang @puregold.shopping sa Facebook, i-follow ang @puregold_ph sa Instagram at Twitter, at ang @puregoldph sa TikTok.
(ROHN ROMULO)
-
For the first time in decades: TITO, VIC at JOEY, muling nagsama-sama para sa isang endorsement
FOR the first time in decades, muling magsasama-sama ang TVJ sa isang endorsement. Puregold made it happen! Makikita sa larawan kasama ni Aling Puring, ang brand icon ng Puregold, ang grupo nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon, na pumirma ng kontrata bilang pagpapatuloy sa kolaborasyon kasama ang kompanya. […]
-
DTI, nakatakdang ipalabas ang Noche Buena price guide
INAASAHANG ipalalabas ng Department of Trade and Industry (DTI) ang price guide para sa Noche Buena products. Ito’y sa gitna ng nakabinbin na price hike petition para sa holiday ham na sinasabing maaaring tumaas ng 4%. “It will be out (price guide) by the second week of November because not all […]
-
Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, isinusulong ang paggamit ng digital tools
LUNGSOD NG MALOLOS – Isinusulong ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna ni Gob. Daniel R. Fernando ang paggamit ng mga pasyenteng may Tuberculosis (TB) sa Bulacan ng Digital Adherence Technologies (DAT) ng ASCENT Project (Adherence Support Coalition to End TB). Ang ASCENT na proyekto ay isinasagawa ng KNCV Tuberculosis Foundation katuwang ang Department […]